Ang pagkain ng cheese
ay mabisang paraan para maiwasan ang tooth decay, ayon sa pagsasaliksik.
Help! Ito ang sigaw natin kapag masakit na masakit ang ating
ngipin. Kaya, kadalasan hindi natin mapigilan ang maluha o maiyak dahil parang
binabarena ang ating ulo. May nerve ang ating ngipin na nakakonekta sa ating
ulo kaya parang hihimatayin tayo sa sakit kapag nagkadiprensiya ang ating
ngipin. Kung hindi tayo makakainom ng gamot ay hindi tayo makararamdam ng
kaginhawahan. Ngunit, pansamantala lamang iyon. Kailangan talaga nating
magpunta sa dentista para mapastahan, ma-root canal o mabunot ang sumasakit
nating ngipin.
Kung may pera ka ay madali lang magpa-appointment, ngunit,
hindi lagi na mayroon tayong ekstra na pera sa ating bulsa. Sa mahal ng bilihin,
siguradong mahihirapan tayong mag-budget. Maliban na lamang kung malaki ang sahod
mo, mayroon kang sideline at mayroon kang kapamilya na laging naririyan para
damayan ka. Pero, kahit na may pera ka, mas makabubuti kung hindi na lamang
natin pababayaan na magkaroon tayo ng toothdecay.
Isipin na lamang natin na kapag may sira ang ating ngipin ay
marami ang mapapa-‘yuck’, mawawalan ka ng self-confidence. Samantalang kung
alam mo na mapuputi at matitibay ang iyong mga ngipin ay marami ang hahanga
sa’yo.
Gusto mo ba iyon?
Kung sasabihin mong ‘yes naman’, maiging gawin mo ang lahat
ng paraan para mapanatili mong maganda at malusog ang iyong ngipin. Sa artikulo
natin ngayon, ay bibigyan kita ng tip kung paano maiiwasan ang magkaroon ng
tooth decay. Sa akin kasing pagsasaliksik, napagtanto ko na hindi lang sa
regular na pagtu-toothbrush maiiwasan ang nakadidiring tooth decay. Ang pagkain
din ng cheese ay nakatutulong para mabawasan ang posibleng pagbuo ng cavity
sa’yong ngipin dahil tinatanggal nito ang plaque acid. Ang plaque acid ay
mistulang asido na sumisira sa’yong ngipin kaya kinakailangan din ng palagiang
pagsesepilyo at pag-inom ng tubig.
Sabi nga ng mga mananaliksik, ang cheese ay mayroong
alkaline na humahalo sa’yong laway kaya naman kung palagi kang kumakain nito ay
mababawasan ng husto ang pangangailangan mong magpunta sa dentista. Kung mataas
kasi ang ph level (more alkaline) sa paligid ng iyong ngipin, mas
mapuprotektahan nito ang iyong ngipin laban sa dental erosion na idinudulot ng
cavities o tooth decay.
O, parati ka bang kumakain ng cheese?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento