Sabado, Agosto 31, 2013

PACIFIER, PARAAN PARA MAHINTO PAGHILIK

NAKAKARINDING pakinggan kapag ang katabi natin sa pagtulog ay grabe kung humilik. Pakiwari kasi natin ay may katabi tayong sasakyan. Kasing ingay ng tambutso ang kanyang bunganga. Kaya naman sa huli ay mapapabalikwas na lang tao nang bangon. Gustuhin man nating matulog, tiyak na mahihirapan tayong magawa iyon dahil sa ingay ng kanyang bunganga. Kung minsan naman naman ay himbing na himbing na tayong natutulog, magugulantang pa tayo sa halik ng ating katabi.
Ganoon ba ang iyong mister o misis?
Kung sasabihin mong ‘oo’ siguradung iritadung-iritado ka na sa kanyang paghilik. Baka nga panay na ang hugot mo nang malalim na buntung-hininga kinabukasan. Tiyak kong ibig mo na siyang sigawan o awayin dahil hindi ka niya pinatulog.
Naku, kung mainitin ang kanyang ulo, baka hindi niya magustuhan ang paraan mo ng pagkakasabi na sobra siyang makahilik. Kaya, mas maiging bago mo ibulalas sa kanya ang mga kataga, mag-isip ka muna ng kung ilang libong beses.
O, kaya naman sa halip na magalit ka agad ay mahinahon mong sabihin sa kanya ang problema. Pagkatapos ay sabay kayong maghagilap ng solusyon upang hindi ka na mairita sa kanyang paghilik. Kasabay noon ay matutulungan mo pa siya siya. Alam naman natin sa labis na paghilik ng isang tao ay maaaring maapektuhan an gating puso. Kaya may tendensiya na bigla na lang tumigil ang tibok ng ating puso dahil sa paghilik.
Kaya naman, maigi talagang basahin mo ang artikulo na ito. Sa pamamagitan nito ay sigurado akong matutulungan kitang masolusyunan ang problema ng iyong asawa sa kanyang paghilik.. Iyon nga lang, kailangan niyang magmistulang sanggol.

Ang ibig kong sabihin, kinakailangan niyang gumamit ng isang instrumento na maihahalintulad sa pacifier. O, mas tamang sabihin na pinalaking bersyon ng pacifier. Mayroon din kasing tsupon na nakalagay dito at mayroon ding pabilog na plastic na mayroong handle. Siyempre iyon ay pampigil para hindi niya malunok ang instrumentong iyon. Ang tsupon naman noon ay ang nagsisilbing takip ng bunganga  upang hindi natin marinig ang nakakairitang hilik n gating partner.
Kaya naman kailangang bago matulog ang iyong partner ay ipasubo mo ito sa kanya upang sipsipin na lang niya ang tsupon. Sa pamamagitan nito ay siguradong magiging kampante tayo na hindi mapapahamak ang ating asawa sa kanyang pagtulog. Sabi nga may posibilidad na tumigil ang kanyang paghinga sa labis na paghilik.
O, kailangan ba ng partner mo na gumamit nito?
Kung kailangan mo rin nito, huwag ka ng mahiya. Ang importante ay malayo ka sa kapahamakan.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...