PAGTAKBO ng nakapaa,
sanhi ng putul-putol na buto o broken bones sa paa, ayon sa pagsasaliksik.
Sa pamamagitan ng pagtakbo o pagja-jogging ay natutunaw an gang
ating mga kinain kaya naman ang resulta nito ay magkakaroon tayo ng magandang
pangangatawan. Kung pipiliin mo lang kasi na maupo maghapon sa harap ng
computer o sa TV ay hindi matutunaw ang mga pagkain na nakaimbak sa’yong tiyan.
Kaya naman ang mangyayari ay tataba ka ng husto.
O, gusto mo bang mangyari sa’yo iyon?
Kung ibig mong maging physically fit ay tiyak ko na
gugustuhin mong mag-jogging ng husto. Kung minsan nga ay sumasali ka pa sa mga
running contest. Malaki rin ang pagnanais mo na magkaroon ng finisher medal o
kaya ay makakuha ng gintong medalya. Ngunit magagawa mo lamang iyon kung
magsasanay ka nang magsasanay sa’yong pagtakbo.
Kadalasan nga sa pagsasanay mo ay inaalis mo na ang iyong
tsinelas. Pakiwari mo kasi ay mas okay ang tumakbo kapag ikaw ay nakayapak.
Ganoon ka ba?
Kung hilig mo nga ang tumakbo ng nakayapak, kailangan mong
malaman ang maaaring samang idudulot nito sa’yong paa. Sa pamamagitan ng
artikulo na ito ay maaari na kitang mabalaan kung ano ang mangyayari sa
pagtakbo mo nang nakayapak.
Ayon kasi sa mga mananaliksik sa Brigham Young University sa U.S ay maaaring
magkaroon ka ng broken bones sa’yong paa kung makakaugalian mo ang pagtakbo ng
nakayapak. Dahil nga walang sapin ang iyong paa ay walang puproteksyon
sa’yo kapag ikaw ay nakatapak ng bubog o anumang matatalim na bagay kaya naman
sa pamamagitan nito ay maaaring kang masugatan. Masaktan at kalaunan ay
magkaroon ka ng broken bones.
Hindi naman siguro kaila sa’yo na ang simpleng sugat ay
maaaring maging impeksyon. At kapag ang matalim na bahay ay bumaon sa’yong
talampakan ay maaaring maperhuwisyo ang iyong buto na magiging dahilan para ito
ay magkakabasag-basag.
O, nanaisin mo bang mangyari iyo sa’yo?
I am sure na ‘hindi’ ang iyong isasagot kaya ngayon pa lang
ay kailangan mo ng pakatandaan na walang mabuting idudulot ang pagtakbo mo ng
nakayapak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento