Biyernes, Agosto 9, 2013

Tracking Device Para Sa Mga Ulyanin, In

Mahal na mahal man natin ang ating mga lolo at lola, hindi natin magagawang bantayan sila ng beinte-kuwatro oras. Mabuti na lang at mayroon ng tracking device na magagamit para malaman natin kung nasaan nga ba sila. The best din ito para sa mga mahal nating mayroong dementia.
Hindi mapigil ng puso natin na labis na mag-alala sa ating magulang o mga kamag-anak na hindi na makaalala pa. Tiyak kasi na kapag tayo ay nalingat at sila ay nakapuslit, mahihirapan tayo na mahanap sila.
Paano kung ilang oras na pala silang nawawala? Saan natin sila hahanapin kung sumakay pala sila ng bus o jeep? Anong gagawin natin kapag may mangyaring masama sa kanila?
Ah, siguradong hindi natin makakaya ang ganitong senaryo. Pakiwari nga natin ay parang nilalamutak ang ating puso sa kaisipan na iyon. Sigurado kasing susumbatan tayo ng ating budhi at sasabihing wala tayong kuwentang anak o kamag-anak.
Biruin mo ba naman, noong mga musmos pa lang tayo ay lahat ng makapagpapasaya at makakabuti sa atin ay ginawa ng ating mga magulang ngunit ngayong sila ang nangangailangan ng tulong ay nagawa natin silang pabayaan. Mas doble pa ang magiging paghihirap n gating kaloobn kapag nalaman natin na may nangyaring masama sa kanila. Kaya, huwag natin itong hayaan na mangyari.
Iyon nga lang dahil mayroon din naman tayong sariling buhay, hindi natin sila magagawang bantayan ng beinte kuwatro oras lalo na’t mayroon din naman tayong pamilya na nangangailangan din ng ating tulong at pag-aalaga.
Ang tracking device na tinatawag na ‘sat-nan’ ay makakatulong para magawa mong hagilapin ang kapamilya mong nawawala sanhi ng sakit na dementia.
Ayon kay Joanne Taylor, araw-araw na lang ay para siyang luka-luka na lumalabas ng bahay para lamang matagpuan ang kanyang pinakamamahal na ina na mayroong sakit na dementia. Hindi maaaring lagi na lamang itong lalabas ng bahay na hindi niya nalalaman dahil baka tuluyan itong mawala, maaksidente at mamatay. Hindi niya kakayanin ang tagpo na iyon. Kaya naman sinikap niyang magkaroon ng device na tinatawag na ‘sat-nan’ upang agad niyang matagpuan ang 78-taong gulang niyang ina na si Anne Grimshaw na may sakit na dementia.
Ang transmitter kasi nito na tinatawag na Buddi ay nakakabit sa kanyang susi at nagbibigay sa kanya ng update kung saan nab a ang kanyang ina. Kung sakali naman na mapapalayo ang paglakad ng kanyang ina ay magri-ring na ang kanyang phone para may magsabi na napapalayo na ang kanyang ina ng ilang hakbang sa kanya.
Dahil sa babala na maibibigay sa’yo ng device na ito ay hindi ka na mag-aalala pa lalo na’t laging naka-on ang iyong computer o hawak mo ang iyong cellphone at I pad. Sa pamamagitan kasi ng alinman sa mga ito ay masusubaybayan mo ang galaw ng iyong kapamilya.
Ikaw, kailangan mo ban g device na ito?




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...