AYON sa
pagsasaliksik, ang mga baby na dinala ng surrogate mother ay kalimitang
emosyonal at may attitude problem.
Nakalulungkot isipin na ikinasal ka sa lalaking mahal na
mahal mo ay hindi ka pa rin nakasisiguro na magiging masaya na ang inyong buhay
pamilya. Tiyak kasing magkakaroon kayo ng mga pagsubok. Hindi porke matagal
kayong naging magkasintahan ay kilala na ninyo ng lubos ang isa’t isa. Kailangan
din namang mag-adjust kayo sa isa’t isa. Ang pinakamatinding pagsubok ng
mag-asawa ay ang hindi nila pagkakaroon ng anak.
Alam naman natin na kung mababa ang matris ng babae, hindi
siya maaaring ma-stress, kaya , kailangang magpahinga siya ng husto para
makabuo. Ang problema nga lang, kung may career ang isang babae, hindi niya basta-basta
maiiwan ang kanyang trabaho. Iyon nga lang, may posibilidad na manlamig ang
pagsasama ninyong mag-asawa,
O, handa ka bang i-give up ang iyong career para sa pamilya?
Kung sasabihin mong ‘hindi ka sure’, may isa pa namang
paraan para magkaroon kayo ng anak na hindi ka naghihirap. Kailangan lamang ay
maghanap ka ng isang babae na papayag na siya ang magdadalantao para sa’yo. Sa
pamamagitan nito ay hindi ka makararamdam ng paghihirap. IYon nga lang,
kailangan mong itanim sa’yong isip na kung may babaeng magdadalantao para
sa’yo, hindi magiging perpekto ang iyong
anak.
Kung ang isang babae ay magbubuntis lang para sa’yo ay hindi
mo rin magagawang kontrolin ang kanyang emosyon. Tila hindi rin niya
pinahahalagahan ang kanyang dinadala. Ang importante lang kasi sa kanya ay ang
perang iyong ibabayad.
Hindi man sa kanya ang egg cell na nasa kanyang katawan, my
bahagi pa rin na makukuha ang iyong anak sa kanyang surrogate mother. Iyon ay
ang kanyang ugali, ang kanyang pagiging emosyonal.
Kapag ang tunay na ina ang nagdala sa kanyang anak, hindi
niya gugustuhin na magalit o malungkot dahil alam niya na makakaapekto ito sa
kanyang anak. Ngunit, ang surrogate mother ay walang pakialam. Ang importante
lang sa kanya ay magawa niya nang maayos ang kanyang trabaho. Palalakihin niya
sa kanyang sinapupunan ang anak ng ibang tao. Ngunit, hindi niya ito magagawang
alagaan ng buong puso.
O, ikaw, nanaisin mo bang hayaan na dalhn ng kung sinong
babae lang ang iyong anak?
Hindi bam as maigi kung ikaw ang magbubuntis para mas
maramdaman mo ang pagiging ina.
Kung hindi kasi, maaaring ang inyong anak ay magkakaroon ng
attitude problem. Ang mga teenager na mayroong surrogate mother ay pabagu-bago
ang ugali. Tila hindi sila marunong magpasensiya kaya sila ay palaaway.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento