MUKHA na akong matanda! Ito ang karaniwang sigaw ng babae
kapag napapaharap siya sa salamin at makakakita siya ng kulubot sa kanyang
balat. Alam niya kasing ito ang senyales ng pagtanda.
Para sa isang babae, napakahirap tanggapin nito, lalo na’t
noong kabataan niya ay wala siyang ginawa kundi ang magpaganda at alagaan ang
kanyang sarili. Kaya naman kapag sapit niya ng 40 pataas ay parang nagiging
praning na ang mga banidosang babae na ito. Hindi na halos lumalabas ng bahay
at kung minsan pa nga ay nagtatalukbong para lang huwag makita ang kulubot
niyang balat.
Tsk, sobrang OA. Marahil, ito ang agad mong sasabihin kapag
may nakilala kang ganitong klaseng tao. Well, hindi mo naman kailangan pang
lumayo sapagkat kung bubuksan mo lang ang iyong tv, siguradong marami kang
artista na makikita na puro salamat pod ok. Kahit naman kasi may edad na sila
ay nais pa rin nilang maging magandang-maganda sa paningin ng marami.
Ikaw, banidosa ka ba?
Ibig mo bang maging maganda ka palagi sapagkat naniniwala ka
na marami ang magmamahal sa’yo dahil sa’yong kagandahan.
Bago mo ipagpatuloy ang iyong pagpapaganda, nais kong
ibahagi sa’yo ang istorya ng isang teenager na hindi halos naramdaman na isa
siyang kabataan na karapat-dapat din namang hangaan. Kahit kasi mag-make up
siya nang mag-make up, hindi mapapansin ang kanyang kagandahan dahil mayroon
siyang sakit na lipodystrophy.
Iww…kapag mayroon kang ganitong karamdaman ay magmumukha ka
ng matanda kahit teenager ka pa lang. Ang tao kasing may ganitong karamdaman ay
nagiging kulu-kulubot ang balat. Tulad na lang
nang nangyari sa tauhan sa artikulo natin ngayon.
Si Zara Hartshorn, 16, mula sa Rotherham, South
Yorkshire , ay namana ang sakit na lipodystrophy sa kanyang ina na
si Tracey Gibson.
Dahil mayroong lipodystrophy si Zara, hindi naging maganda
ang kanyang kabataan. Palagi siyang tinutukso, nililibak. 12 years old pa
lamang siya noon pero napagkakamalan na siyang 30 years old at noong tumuntong
siya ng 17 years old ay nagmukha na siyang ina ni Chloe, ang nakababata niyang kapatid
na hindi nakamana ng sakit na iyon.
Kaawa-awa ang mga taong may sakit na ganito. Hindi lang
dahil maaga silang tatanda kundi dahil unti-unti ring nasisira ang kanilang buto.
Maging ang kanyang kalamnan ay nadadamay.
Kaya naman masasabi ko na napakapalad natin at wala tayong
ganitong karamdaman. Kaya makabubuti kung makukontento tao sa kung anong
mayroon tayo. Hwag ka na magreklamo kung nangungulubot na ang balat mo. Natural
iyon dahil nagkakaedad ka na. Kaya magpasalamat ka na lang ng husto at wala
kang karamdamangg ganito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento