Alam na alam natin na ang paninigarilyo ay magiging dahilan
para magkaroon tayo ng cancer sa baga pero marami pa ring mga tao ang matitigas
ang ulo, hindi iniintindi ang maaaring mangyari sa kanila. Kung minsan nga ay hinahamon pa nila ang
sakit.
O, hindi ba, may nagsasabi pang, ‘Hindi ako tatablan ng
cancer. Matigas yata ito’. Pero sa huli ay mapagtatanto din niya na wala siyang
kapangyarihan na awatin si karamdaman na pumasok sa’yong katawan. Ito ay dahil
naging pabaya ka rin sa’yong sarili.
Ikaw, ganoon ka ba?
Kung mahal mo ang iyong sarili, siguradong iiwasan mo na ang
paninigarilyo dahil ibig mong magkaroon ng mahabang buhay.
Pero, alam mo ba kung ano ang epektibong paraan para
makaiwas ang mga banidosa at banidoso sa sigarilyo? Kapag nalaman nila na ang
paninigarilyo ay magiging dahilan para ikaw ay pumangit.
Alam mo bang sa labis na paninigarilyo ay maagang kukulubot
ang iyong balat. Kaya ang mga babae na gustong magkaroon ng magandang kutis,
kailangang itigil na ang paninigarilyo o mas mabuti kung hindi siya
maninigarilyo. Kailangan ding malaman ng mga kalalakihan na ang paninigarilyo
ay magiging daan para mawalan ka ng gana sa sex. Dahil dito ay hindi mo
mapapaligaya ang iyong partner.
O, nais mo bang maging pangit?
Nais mo bang mawalan ng silbi sa kama ?
Ayon sa pagsasaliksik, ang masamang epekto ng paninigarilyo
ay hindi agad eepekto sa’yong katawan. Kung 13 to 36 ka pa lang ay wala ka pang
sakit na mararamdaman dahil malakas pa ang resistensiya mo ngunit habang
tumatanda ang tao ay mararamdaman mo na ang
resulta ng pagiging addict mo sa sigarilyo. At sa pagsapit mo sa 50, ay
makakaramdam ka na ng panghihina. Hindi lamang ang cancer sa baga ang maaari
mong makuha, maging ang cancer sa lalamunan.
Ilang taon ka nab a?
Kahit bata ka pa lamang, siguradong may kakaiba ka ng
nararamdaman sa’yong katawan ngunit binabalewala mo lang. Sige, humarap ka sa
salamin, itanong mo, pumapangit ka ba? Nanghihina ka bas a sex?
Kung ganito ang nararamdaman mo, ipagpapatuloy mo pa ba ang
paninigarilyo?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento