Martes, Setyembre 3, 2013

LALAKING MADALAS MAGPUNTA SA SAUNA, MABABAOG

ANG babala ng mga Italian researcher,  kapag ang lalaking ay madalas magpunta sa sauna ay maaari siyang mabaog.

Matapos natin gawin ang napakabigat na proyekto, ibig naman natin na mag-relax. Makabubuti naman kasing magpunta tayo sa isang lugar na wala tayong iisipin kundi ang magpahinga. Try mong pumasok sa sauna ay siguradong ganu’n ang eksaktong mararamdaman mo.
Ngunit, sabi nga, ang lahat ng sobra ay makasasama. Mayroon kasing ilang kalalakihan na nagpupunta s sauna ng 2 beses sa isang linggo. Oh, kailangan mo talagang malaman na ang gawaing ito ay hindi makabubuti para sa’yong kalusugan lalo’t higit sa’yong pagkalalaki.
Ayaw kitang takutin pero kailangan mong malaman na kung ikaw ay nagpupunta ng 2 beses sa isang linggo ay maaaring bumaba ang iyong sperm count.  Ito ay dahil sa sobrang init na maibibigay ng sauna at ang damage na maibibigay nito ay maaari pang tumagal ng ilang buwan.
Alam na alam naman natin na kapag mababa ang sperm count ng mga kalalakihan ay may posibilidad na hindi sila magkaanak. Nanaisin mo bang mangyari iyon?
Kung inaakala mo naman na ang pag-aaral na ito ay gawa-gawa lamang para takutin ang mga kalakihan, nagkakamali ka. Para nga mas makumbinse kita na maaari nga itong mangyari ay kailangan kong ibahagi sa’yo ang pagsasaliksik sa mga kalalakihan na madalas na mag-stay sa sauna.
Ilang kalalakihan na nasa edad 30 ang sinuri. Ang mga ito ay ang mga madalas na magpunta sa sauna. Doon ay napagtanto na ang kalimitang nagpupunta sa sauna ay mayroong mababang spem count. Bumabalik lang daw sa normal iyon makalipas ang anim na buwan.
Sabi ni Dr. Andrew Kramer, isang urologist na nakabase sa University of Maryland Medical Center, ang masyadong init ang dapat na sisihin. Kaya naman kapag ang lalaking madalas na nagpupunta sa sauna ay may posibilidad na hindi makabuo dahil nga mistulang lasing ang kanyang sperm cell.
Yes, ang sperm cell ng lalaking nagpupunta sa sauna ay maikukumpara sa lalaking lasing, gustuhin man niya kasi ay mahihirapang magtagpo ang egg cell at sperm cell dahil nga masyadong nainitan ang kanyang sperm cell.
O, nanaisin mo bang hindi magkaanak dahil lang sa madalas mong pagpunta sa sauna?





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...