Martes, Setyembre 3, 2013

MGA UMAAKSYON HABANG NANANAGINIP, SENYALES NG PAGKAKAROON NG DEMENTIA

AYON sa pagsasaliksik, kung umaakto ka habang ikaw ay nananaginip ay maaaring magkaroon ka ng sakit na dementia pagdating ng araw.
Ang katagang ‘warning’ o ‘babala’ ay labis na nagpapakaba sa ating dahil kaakibat nito ang hindi magandang pangyayari kapag sinuway ang ipinagbabawal. Gayunman, may maganda rin naman itong hated sa ating. Biruin mo, magagawa nating maligtasan ang nakaambang kapakamakan kapag naging masunurin tayo. Iyon nga lang, may mga pangyayari talagang hindi na natin magagawang iwasan kahit pa sumunod tayo. Sabi nga, mangyayari ang nakatakdang mangyari.
Kung ang ating anak, asawa o magulang ay nakikita natin umaaksyon na parang nagmamaneho o nanduduro habang siya ay natutulog, ay hindi natin maiwasan ang matawa. Para kasing ang cute-cute nilang pagmasdan. Kung minsan pa nga ay nagagawa natin silang tanungin habang natutulog at nagagawa naman nila itong sagutin kaya pagkagising nila kinabukasan ay magagawa pa natin silang tudyuhin. Biruin mo naman, maging ang pinakatatago nilang sekreto ay ating nalalaman.
Pero, dapat nga bang lagi na lang tayong masiyahan?
Nagkakamali ka kung sasabihin mong ‘siyempre naman’. Sa akin kasing pagsasaliksik ay napagtanto ko na ang mga ganoong Gawain ng isang natutulog ay isa na palang babala na pagdating ng araw ay magkakaroon siya ng dementia.
Oh, my. Ang sakit na ito ay napakaseryoso. Bagamat hindi ito tulad ng cancer, maaari ka ring maging buhay na patay kapag nagkaroon ka nito. Hindi lang kasi ang alaala mo ang maaaring mawala, kundi ang lahat ng bagay na iyong natutunay ay possible ring mabura sa’yong alaala.
Oh, nanaisin mo bang mangyari iyon?
Natitiyak kong hindi pero, kailangan mo ring paghandaan kung anu ang maaaring mangyari.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...