AYON sa pagsasaliksik, ang paghawak sa coins o barya ay
dahilan kaya maaari kang magkaroon ng eczema at allergies.
Marami ang nagsasabi na ang pera ang dahilan kaya tayo
nagkakaroon ng magandang buhay. Kaya naman nais natin ay parati tayong mayroong
pera. Hindi naman mawawalan ng pera ang ating wallet kung mayroon tayong
trabaho at magagawa nating magtipid. Sa pamamagitan nito ay mayroon kang perang
mahuhugot kapag kailangang-kailangan mo na.
Pero, teka, ikaw ba ang tipo na laging may perang hawak?
Kung ikaw ay nagtatrabaho sa banko o ‘di kaya naman ikaw ay
tindera, tiyak ko nga na palagi kang nakakahawak ng pera. Kung minsan naman
kahit na hindi ka nagtatrabaho sa mga ito ay lagi ka ring humahawak ng pera.
Hmmm, ganoon ka nga ba?
Kung ikaw ay parating humahawak ng coins, kailangan mong
mabasa ang artikulo na ito. Sa pamamagitan nito ay magagawa kong maibahagi
sa’yo ang panganib na dulot ng palaging humahawak ng pera.
Alam na naman natin na ang pera ay napakarumi. Kung
sinu-sino kasi ang humahawak nito kaya naman palipat-lipat lamang ang mikrobyo nito. Masasabi namang
isang malaking kalokohan kung huhugasan mo ang iyong coins at sasabihin para lang
maalis mo roon ang mikrobyo. Tiyak ko din naman kasi na ang makakaisip lang
nito ay ang taong kulang sa katinuan.
So, marami ka bang coins?
Aba’y huwag mong masyadong hawakan ‘yan dahil baka bigla ka
na lang magkaroong ng eczema at allergy. Dahil kasi ang ilang mga coins ay
masyadong makintab, nangangahulugan na maraming nickels na sangkap dito kaya maaaring maging dahilan
iyon para magkaroon ka ng sakit sa balat.
Kaya naman kung ikaw ay mayroong nickel allergy, hujwag kang
basta-basta hahawak ng coins dahil maaaring maging napakapanganib nito sa’yo.
Makakaramdam ka ng matinding pangangati at maaari pang mamaga ang iyong kamay.
Siguro naman ay hindi mo nanaisin na mangyari iyon sa’yo, ano?
Kaya kung hindi naman kinakailangan, huwag kang masyadong
maghawak ng pera. Kung ikaw naman ay cashier at
tindero, maigi kung maglalagay ka ng proteksyon sa’yong kmay para hindi
mo maranasan ang pagkakaroon ng sakit sa balat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento