Sabi ng mga eksperto,
ang mga batang nag-aaral sa private school ay may malaking posibilidad na
magkaroon ng tigdas.
Sa paniniwala ng mga magulang na mas mabibigyan ng magandang
edukasyon ang kanilang anak, ipinapasok nila ito sa private school. Kung kilala
nga ang eskuwelahan, maaaring mas mahusay ang itinuturo sa kanila at
mas malaki ang tsansa nila na makapasok agad sila sa university kapag nag-college
na o kaya naman ay nakapagtrabaho na.
Ikaw, saan mo pinag-aaral ang iyong anak?
Kung hindi sapat ang kinikita ng magulang, wala na silang
ibang pagpipilian kundi ipasok nila sa public school ang kanilang anak. Kung
may pera naman sila ay siguradong pipilitin niyang ipasok ang kanilang anak sa
private school.
Kung ang iyong anak ay nasa private school, kailangan mong
basahin ang artikulo na ito. May pag-aaral kasing lumabas na ang mga batang
nag-aaral sa private school ay madaling dapuan ng tigdas.Sa Britain nga, 600,000 na bata na
mula sa private school ang kumaharap sa tigdas outbreak. Halos lahat sila ay
nagmula sa private schools.
Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na kaya mas maraming
estudyanteng nag-aaral sa private school ang kalimitang nagkakatigdas dahil
karamihan sa kanila ay mula sa kung saan-saang lugar. Hindi siyempre nila
problema ang pagbibiyahe dahil mayroon service
o sariling sasakyan ang mga batang nag-aaral sa private school.
Siyempre, hindi maaatim ng kanilang mga magulang na
magpabaya sa kapakanan ng kanilang anak. Kung minsan nga, hindi na alintana ng eskuwelahan ang
health records ng kanilang mga estudyante. May mga eskuwelahat kasi na ang
importante lang sa kanila ay ang perang ipapasok sa kanilang eskuwelahan.
Nakakalungkot ngang isipin na may mga private schools na
hindi talaga tinitingnan ang kalusugan mayroon ang kanilang estudyante. Kung
halimbawa ngang mula sa abroad ang isang estudyante ay hindi na tinitingnan ang
kanilang medical records.
Kung hindi pagkakaabalahan na silipin ng mga private school
ang medical records ng estudyante,
sigurado ngang magkakapasa-pasahan lang sila ng viruses. At kung mahina ang
katawan ng bata ay siguradong dadapuan agad sila ng sakit. At ang isa sa top 1 na karamdaman na maaaring
dumapo sa kanila ay ang tigdas.
O, saang eskuwelahan nag-aaral ang iyong anak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento