AYON sa pagsasaliksik, ang mga empleyadong
nagtatrabaho sa isang malawak na kuwarto na maraming katrabaho ay hindi
makapagtatrabaho ng maayos, hindi gaanong masaya at palaging nagkakasakit.
May mga kompanya na pinagsasama-sama sa iisang
silid o lugar ang kanilang empleyado. Katwiran kasi nila, iisa lang naman ang
gagawin ng mga ito kaya dapat lamang na magsama-sama na ang mga ito.
Okay lang naman talaga na magkakasama lang sa
isang malawak na lugar ang magkakatrabaho, magagawa pa nilang
makapagkuwentuhan. Sa pamamagitan nu’n ay magkakakilala silang lahat. Ngunit,
hindi lahat ay may magandang epekto. Sa akin ngang pagsasaliksik ay napagtanto
kong mayroon din itong disadvantages.
Ayon sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na
ang empleyadong nagtatrabaho sa open-plan offices ay hindi gaanong
nakapagtatrabaho nang maayos. Kung sila ay pagmamasdan mo nang mabuti ay
mapagtatanto mo na hindi sila masaya. Karamihan pa nga sa kanila ay panay ang
hugot nang malalim na buntung-hininga.
Ayon nga sa pagsasaliksik ng Virgin State
University at North
Carolina State University na matatagpuan sa U.S. , ang mga empleyado na
sama-samang nagtatrabaho sa iisang lugar ay hindi nakapagtatrabaho ng maayos
dahil marami siyang distraction. Kung lagpas nga naman sa sampung tao ang mga
nasa silid na ito, siguradong may ilan na hindi makakatiis na hindi dumaldal.
At pagkaraan lang ng ilang sandali ay mararamdaman mo n naiirita ka na lalo
pa’t may ilan pang sasagot. Hanggang sa makabuo ng nakaririnding ingay ang
iyong mga kasamahan.
May mga tao kasi na hindi rin gugustuhin na
magkaroon ng maingay dahil mahihirapan siyang mag-concentrate. Ngunit hindi
naman siya maaaring manita nang manita Tiyak kasing dahil doon ay makakatagpo
pa siya ng away. Kaya, no choice ka na kundi ang magpasensiya. Sa huli tuloy ay
mapagtatanto mo rin na hindi ka na masaya sa’yong trabaho.
Kung ikaw naman ay may malaking responsibilidad
sa’yong pamilya, sigurado ako na wala kang ibang pagpipilian kundi ang
magtiyaga. Ngunit, habang tumatagal ka sa lugar na iyon ay unti-unti kang
makakaramdam ng panghihina. Dahil nga sama-sama kayo sa iisang lugar ay
palipat-lipat lang sa inyo ang germs ng kung sinu-sino. Dahil doon ay hindi
maiiwasan na kayo ay magkasakit. Samantalang kung ikaw naman ay nagtatrabaho sa
opisina at may kanya-kanya kayong cubicle, siguradong makapagku-concentrate kayo
ng maayos kaya magagawa ninyo ng maigi ang iyong trabaho. Dahil malayo ka sa
kasamahan mo ay maiiwasan na magkaroon kayo ng sakit. O, ano ba ang hitsura ng
working place mo?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento