KAPAG ang isang tao ay magiliw sa alaga niyang aso, tiyak na
pipigilan itong yakapin at halik-halikan. Sabi nga, ang ganoong aksyon ay
nagpapahayag ng pagmamahal. Ngunit, kailangan pa rin nating tandaan na maaari
kang mapasahan ng sakit kung labis mong niyayakap o hinahalikan ang iyong aso.
Bukod kasi sa hika, maaari pang malagas ang iyong ngipin kung hinahalikan mo
ang iyong aso at dinidilaan ka niya.
Sabi nga ng mga eksperto, maaari kang magkaroon ng gum
disease kapag hinalikan mo ang iyong aso at dinilaan niya ang iyong labi.
Mapapasa kasi niya sa’yo ang anumang bacteria na nasa kanya. Kapag hindi
agad nagamot ay maaari siyang magkaroom
ng periodontitis, isa itong seryosong karamdaman sa gilagid na makakaapekto sa
tissues na sumusoporta sa’yong mga ngipin. Kaya naman kapag nasira iyon, maaari
nga talagang isa-isang malagas ang iyong mga ngipin.
Halos lahat ng aso ay mayroong periodontitis, kaya naman
kung makikipag-lips to lips ka sa’yong alaga, siguradong mapapasa niya sa’yo
ang sakit na ito? Gusto mo ba iyon?
Alalahanin mo, gaano ka man kaganda o kaguwapo, siguradong maglalaho
ang iyong ganda o kapogian kapag nalagas na ang iyong ngipin. Kaya naman
kailangan mong mag-ingat. Sa palagay ko naman ay maraming paraan para maipadama
mo sa’yong alaga ang pagmamahal mo.
Kung mahal mo ang alaga mong aso, mas dapat mong mahalin ang
iyong sarili. Kung hindi mo kasi ito gagawin, papangit ang iyong hitsura. Gusto
mo ba iyon? Alalahanin mo, marami ang maaaring mawala sa’yo kapag nalagas ang
iyong ngipin at kabilang na rito ang lovelife, career at social life. Alam
naman natin na ang mga tao ay mas tinitingnan ang pisikal na hitsura kaysa sa
talento at kabaitan. Isa pa, maaari ka ring mawalan ng tiwala sa’yong sarili
kapag humarap ka sa salamin at nakita mong marami na sa ngipin mo ang nalagas.
Gayunman, bawat problema ay may solusyon. Kung nais mo
talagang halikan ang iyong alaga, kailangan mo munang siguraduhin na laging
malinis ang kanyang ngipin.
O, magagawa mo ba ito?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento