AYON sa eksperto,
paggamit ng sabon at shower gel ay malaki ang tendensiya na siya ay magkakaroon
ng sexual transmitted disease.
Mas makabubuti talaga sa isang babae kung magiging malinis
siya sa kanyang katawan. Sigurado kasing marami ang sa kanya ay hahanga. Ang
tunay na kagandahan kasi ay hindi lang makikita sa pisikal na anyo. Siyempre,
titingnan din ang kanyang hygiene. Sabi nga, kahit gaano kaganda ang isang
babae ay nababalewala kung siya ay may putok o masangsang ang kanyang amoy
dahil sa regla.
Yuck!
Gayunman, kung ikaw ang tipo ng babae na parating gumagamit
ng sabon at shower gel, kailangan mong basahin ang artikulo na ito upang ikaw
ay aking mabalaan. Sa aking pagsasaliksik kasi ay napagtanto ko na ang paggamit
pala ng sabon at shower gel, ay maaaring makapagbigay sa’yo ng sexual
transmited disease.
Oh my! Sa pagkakaalam kasi natin na ang ganitong karamdaman
ay kalimitan lang nakukuha kapag ang isang babae ay may nakatalik na lalaking mayroong ganitong karamdaman. Pero,
kung pakakaisipin mong mabuti ay nakasisiguro ako na itatanong mo rin kung saan nga ba nagmula ang
mga ganitong sakit.
Sa aking pagsasaliksik ay hindi ko napigilan ang mamangha.
Nakagigilalas naman kasing isipin na an gang sakit palang ito ay maaaring
makuha sa sabon at shower gel.
O, hindi nga ba ang mga ganitong gamit ay para lamang maging
malinis ang iyong katawan kaya’t talagang nakamamangha ang bagong tuklas na
ito.
Ang mga mananaliksik kasi sa University of California
ay nagsabing ang sabon at shower gels ay maaaring makasira sa sensitive tissues
na naroroon sa kanyang puwerte kung panay ang gamit niya sa ganitong uri ng
panlinis. Kung mangyayari nga iyon ay
maaari siyang maimpeksyon at magkaroon ng herpes, chlamydia at HIV.
Ang babala pa ni Joelle Brown, may mga produkto ng sabon at
shower gel na makapagbibigay pa sa’yo ng bacterial vaginosis, ang kondisyon na ito ay maaari pang
makapagpalala sa kondisyon kaya maaari
ka talagang magkaroon ng sexual transmitted disease.
O, nanaisin mo pa bang magkaroon nito.?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento