SA aking
pagsasaliksik ay napagtanto ko na sa pag-inom mo pala ng kape ay maaari kan umabot ng edad 90.
Karaniwan na sa mga empleyado ang nagkakape kapag nag-break-time sila sa
pamamagitan kasi nito ay mapapalis ang antok na iyong nadarama. Kung minsan
kasi kapag labis kang nakatutok sa’yong ginagawa ay hindi mo maiwasan ang
mapapikit. Samantalang kung mayroon kang katabing kape ay mababawasan ang antok
na iyong nararamdaman lalo pa kung ito ay kumukulo. At alam mo bang sa pag-inom
mo ng kape ay maaaring humaba ng husto ang iyong buhay.
Marahil ay marami ang magtataas ang kilay sa pagbasa sa
artikulo na ito. Alam naman natin kasi na dahil sa labis na pag-inom ng kape ay
maaari kang nerbiyosin na magdudulot ng sakit na puso na magiging dahilan ng
maagang kamatayan. Kaya naman ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa’yo na ang
kapeng ito ay matatagpuan lamang sa Greece . Ayon nga sa mananaliksik
ang mga matatandang tao ay matatagpuan sa Greek Island Ikaria .
Bagamat sa ating bansa ay marami na ring matatandang
nabubuhay, kataka-taka pa ring isipin na may isang lugar sa mundong ito na
maraming matatanda ang nabubuhay. Hindi naman natin maaaring isipin na nasa
lahi nila iyon dahil hindi naman lahat sila ay magkakamag-anak. Kungganoon, ano
nga ba ang dahilan at nagkaroon sila ng mahahabang buhay?
Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na dahil sa umiinom
sila ng kumukulong Greek coffee. Sa pamamagitan ng kape na ito ay maaari siyang
magkaroon ng malusog na puso. Ayon kasi sa SAGE journal Vascular Medicine, ang
kape na ito ay susi upang magkaroon ka ng good
cardiovascular health.
Sa pag-aaral pa ni Dr Gerasimos Siasos, ng University of
Athens Medical School, ang kape kasing ito ay mayaman sa polyphenols and
antioxidants kaya naman kakaunting caffeine lang ang makukuha mo rito. Hindi
tulad ng ibang kape na maraming caffeine kaya naman kapag madalas kang uminom
nito ay siguradong lalakas ang pintig ng iyong puso.
O, nanaisin mo bang kapag
nakapunta ka sa Greece
ay hahanapin mo ang kape na ito?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento