ANG labis na pag-inom
ng tsaa ay nakakalagas ng ngipin at magkakaroon ng marupok na buto. Take note, kapag sumobra. Sa isang artikulo
kasi natin ay nakakapagpatibay ng ngipin ang pag-inom ng tsaa. Ngunit sabi nga,
lahat ng sobra ay masama.
Ang bawat isa sa atin ay mayroong paboritong inumin.
Pakiramdam nila ay kulang ang kanilang araw kapag hindi sila nakakainom ng
kape, soft drinks o juice. Ngunit, kailangan mo ring tandaan na ang labis na
pag-inom ng alinman sa mga ito ay nagkakaroon ng masamang epekto sa ating
katawan. Maaari kang nerbiyosin kapag uminom ka ng labis na kape kapag naman
sumobra ang pag-inom mo ng softdrinks at juice ay maaari kang magkaroon ng
diabetes.
Kaya naman may mga tao na sasabihing tubig o tsaa na lamang
ang kanilang iinumin para hindi sila magkaroon ng diabetes.
Teka, sobra-sobra ka ba kung uminom ng tsaa?
Kung sasabihin mong ‘oo’ kailangan mong mabasa ang artikulo
na ito. Sa akin kasing pagsasaliksik ay napagtanto ko na ang 47 na taong gulang
na babae, taga-Michigan, ay bigla na lang nalagas ang kanyang mga ngipin at
pakiramdam niya ay nananakit ang kanyang mga buto.. Nang suriin siya kung bakit
ganoon ang nangyari sa kanya ay napagtantong dahil iyon sa labis niyang
pag-inom ng tsaa.
Ayon sa kanyang kuwento, ang isang pitsel ay nilalagyan niya
ng 100 tea bags at iinumin niya iyon kada araw. Napakalinamnam kasi noon sa kanya kaya naman kahit araw-araw
siyang umiinom noon ay hindi niya pinagsasawaan. Iyon nga lang doon ay nalagas
ang kanyang ngipin at nananakit na ang kanyang mga buto.
Ayon sa espesyalista na sumuri sa kanya ay napagtanto na
mayroon siyang skeletal fluorosis, ang bone disease na ito ay dahil sa labis na
fluoride na nakuha niya sa labis na pag-inom niya ng tsaa. Bituin mo ba naman
sa loob ng 17 taon ay wala siyang palya na umiinom ng tsaa.
Nalaman lamang niya ang kanyang karamdaman ng maramdaman
niyang naninigas ang kanyang likod, braso, binti at palakang. Hindi na rin niya
kayang maipaliwanag ang sakit na kanyang nararamdaman doon kaya naman agad siyang nagpunta sa Henry Ford Hospital na matatagpuan sa Detroit .
O, ikaw, umiinom ka ba ng tsaa?
Okay lang naman na uminom ka pero huwag namang sobra kung
ayaw mong magaya sa tauhan natin sa artikulo na ito. Sige ka baka mamaya ay
magkalagas-lagas na ang iyong ngipin tapos maramdaman mo pa ang kung anu-anong
sakit na nasa iyong likod, braso, balakang at binti dahil sa kakaibang sakit na
makukuha sa labis na pag-inom ng tsaa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento