AYON sa
pagsasaliksik, ang pakikipagtalik daw ay nakapagpapatalino.
Sa artikulo natin ngayon ay nakasisiguro ako na marami ang
mapapangiti o masisiyahan, ngunit, kailangan mong malaman na ang istorya na ito ay base lamang sa mga
pagsasaliksik at hindi nararapat gawin ng lahat ng tao lalo na iyong hindi pa
naman kasal, okay.
Kung minsan, pakiramdam natin ay napaka-bobo natin. Biruin
mo, ang simpleng katanungan ay parang napakahirap sagutin. Kaya naman kapag
napapahiya tayo, parang ibig nating umiyak. Kung minsan nga ay may mga taong nagwawala
o nagpapakamatay dahil dito.
Ikaw, mataas ba o mababa ang iyong IQ?
Anuman ang iyong sagot, naniniwala pa rin ako na kung
magiging masipag ka sa pag-aaral o sa pagtuklas sa mga sagot sa napakaraming
katanungan ay hindi ka na mamumublema pa sa huli.
Ngunit, kung nais mo raw maging matalino, ang pakikipagtalik
ay makakatulong daw ng malaki lalo na kung regular itong ginagawa ng
magkakapareha. Ngunit, mas epektibo raw ito kapag ang magkapareha ay bago pa
lamang na nagmamahalan.
Sa ulat kasi ng mga scientist sa University of Pavia na matatagpuan sa Italy . Ay napagtanto nila ito dahil nagkaroon ng classification ang
kanilang pagsusuri. Mayroong bago pa lang sa kanilang relasyon, mayroong
matagal na at ang iba naman ay walang karelasyon.
Ang dugo natin ay kinakailangang makarating agad sa ating
utak para naman makapag-isip tayo nang
maigi. Sa pamamagitan nito ay magagawa nating maging matalino sa anumang bagay.
Ikaw, nagagawa mo bang masolusyunan ang iyong problema? Agad
ka bang nakasasagot kapag ikaw ay tinanong?
Sabi nga ng mga scientist ang mga bago pa lamang na
magkakarelasyon na regular na nagtatalik ay nagiging mas matalino kaysa sa mga
dati ng magkarelasyon at sa mga single.
Tandaan din daw na ang kalimitang pakikipagtalik ay hindi
lamang nakakapagpatalino, maaari rin itong makabawas sa stress na nararamdaman
natin sa tuwina.
Si Madonna nga na umamin na masyado siyang aktibo sa sex ay
mayroong IQ level na 140. Ibig sabihin ay malapit na siyang umabot sa level ng
isang genius.
O, nais mo bang maging matalino?
Tandaan mo lamang na epektibo lang ito kapag ikaw ay tunay
na umiibig sa’yong karelasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento