Martes, Setyembre 3, 2013

MAY MALALAKING HITA, MARAMING SAKIT

ANG mga taong may matatabang hita ay magiging mabagal ang paglakad sa kanilang pagtanda, ayon sa pagsasaliksik.
Marami man ang nagsasabi na talaga namang bumabagal ang paglalakad ng tao kapag sila ay matatanda na, mayroon pa rin namang ilan na kahit matanda na ay mabilis pa rin ang paglalakad. Kung minsan nga ay sumasali pa sila sa takbuhan.
Ikaw, kaya mo pa bang maging magaling na runner?
Kung ibig mong magkaroon ng malusog na pangangatawan, sigurado akong gugustuhin mo na tumakbo. Kahit sa loob lang ng iyong bahay o bakuran kung ibig mong maging masigla ay hindi ka makakalimot mag-jogging. Maaari ngang maging hobby mo pa ang pagtakbo at sumali ka na rin sa mga paligsahan. Kung magkakaroon ka ng medalya dahil sa pagtakbo siguradong mas makararamdam ka ng kasiyahan.
Kung tamad na tamad ka sa pagtakbo, pagmasdan mo ang iyong hita. Kung may katabaan iyan, basahin mo ang artikulo na ito para malaman mo kung ano ang maaaring mangyari kung mananatiling mataba ang iyong mga hita.
Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na ang mga taong may matatabang hita ay bumabagal ang kanilang paglalakad. Ang pag-aaral ngang ito ay inilabas pa ng American Journal of Clinical Nutrition.
Sabi rin sa pagsasaliksik, ang mabagal lumakad ay  may tendensiya na maraming sakit na nararamdaman.
Ikaw, nais mo bang magkaroon ng sakit pagdating ng araw?
Kung ayaw mong mangyari iyon, makabubuting ngayon pa lang ay tingnan mo na ang iyong hita. Kung sa tingin mo ay mataba ‘yan, gumawa ka na ng paraan para lumiit ‘yan. Sabi nga, ang pagja-jogging ay nakakatulong para malusaw ang taba na nasa iyong hita at  pagkaraan ay maging siksik na ‘yan sa muscle.
O, nais mo bang magkaroon ng mahabang buhay?
Kung sasabihin mong ‘oo’ siguraduhin mo na pagdating ng panahon ay magagawa mo pa ring balansehin ang iyong sarili.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...