Ang gel manicure ay
nakaka-skin cancer, ayon sa pagsasaliksik.
Sa kagustuhan ng mga babae na maging magandang-maganda sa
paningin ng marami at para na rin makaramdam siya ng satisfaction sa kanyang
hitsura ay gusto niyang palaging presentable. Hindi nga niya makuhang
makontento sa simpleng manicure lamang. Ang ibig pa niya ay magkaroon ng design
ang kanyang daliri bukod sa cutix ay ibig din niyang mayroon pang ibang arte sa
kanyang daliri.
Ang teenagers ngayon ay nagpapalagay pa ng nail art sa
ibabaw ng kanilang cutix. Pakiwari kasi nila ay astig iyon. Kaya naman, kung
minsan ay naiisip pa nilang magpa-gel manicure. Tulad ng nail art ay mayroon
din itong arte upang maging mas kaakit-akit ang kanilang daliri sa paningin ng
marami.
Iyon nga lang, kailangan mo ring malaman ang maaaring
kahinatnan ng iyong balat kapag ikaw ay nagpa-gel manicure. Para
kasi maging matagumpay ang iyong paggi-gel manicure ay kinakailangan mong ipasok
sa machine ang iyong kamay at magbibigay iyon ng UV light para matuyo ang iyong
gel manicure.
Kapag nakita mong naging maganda ang kinahinatnan ng iyong
paggi-gel manicure ay nakatitiyak ako na ikatutuwa mo iyon at ipagmamalaki
sa’yong mga kaibigan at kamag-anak. Ngunit, kailangan kitang mabalaan dahil sa
aking pagsasaliksik, ang paggamit dawn g gel manicures ay makapagbibigay ng
komplikasyon sa ating balat. Katunayan ay makapagdudulot pa ito ng skin cancer.
Hindi naman kasi magiging matagumpay ang paglalagay ng gel
manicure kung hindi mo ipapasok ang iyong kamay sa machine na magbibigay ng UV
light. Sa pamamagitan noon ay maaari pang maging manipis ang iyong kuko at
magbigay sa’yo ng skin cancer.
Ito nga ay pinatunayan ni Dr Chris Adigun. Mula sa New York University
School of Medicine. Ang
paggamit daw kasi ng UV lamps ay magiging dahilan para masira ang kanyang balat
at kalaunan ay magiging skin cancer iyon.
O, nanaisin mo bang magkaroon ng ganitong sakit dahil lamang
sa kagustuhan mong makasabay sa uso?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento