OH no, nakagigilalas isipin na kahit pala ang isang taong
gulang ay maaari ring magkaroon ng kulu-kulubot na balat kung dadapuan sila ng
karamdamang tinatawag na cutis laxa.
Isang taong gulang pa lamang si Yuxin Xiaoli, taga-China,
pero kung makikita natin siya ay makakaramdam tayo ng matinding awa sa kanya.
Baka nga maiyak ka pa dahil sa kaawa-awa niyang hitsura. Dahil kasi sa kakaiba
niyang sakit na ay mistulan na siyang matanda dahil kulubot na ang kanyang
balat. Mayroon kasi siyang connective tissue disorder kaya naman hindi
nababanat ng husto ang kanyang balat. At habang lumalaki siya ay lalong
lumalawlaw ang kanyang balat.
Kung maraming naaawa sa kanyang kalagayan, marami rin namang
bata ang nakakaramdam ng takot kapag siya ay nakikita. Sa tingin kasi ng mga
ito ay isa siyang monster. Bagamat hindi pa alintana ni Yuxin ang kakaiba
niyang hitsura, para naman nilalapirot ang puso ng kanyang ina sa kalagayan ng
anak. Damang-dama niya kasi ang sakit kapag nakikita niyang kinatatakutan ang
kanyang anak.
Ayon sa 23 taong gulang na ina, noong isilang niya si Yuxin
ay napansin niya na lawlaw ang balat nito ngunit hindi niya iyon gaanong
pinansin. Subalit, nang isang taong gulang at kalahati na ang kanynag anak ay
napagtanto niya na para ng lola ang hitsura nito kaya naman agad nila itong
ipinasuri sa espesyalista at napagtanto nga ang kakaiba nitong sakit. Ewan nga
lamang niya kung bakit nagkaganoon ang hitsura ng kanyang anak gayung wala namang
nakitang diprensiya ang doctor habang siya ay nagbubuntis.
Ah, talagang maraming katanungan na hindi natin masagot.
Tulad na lamang na kung bakit ang isang taong gulang ay makaranas ng ganitong
pagsisirap. Siguro nga ay tanging ang Maykapal lamang ang nakakaalam kung bakit
may mga tao na kailangang dumaan sa ganitong pagsubok. Mas makabubuti rin kung
magtitiwala tayo ng husto sa Kanya.
Sana sa artikulong ito ay maisip mong mapalad ka dahil hindi
mo naranasan o ng anak mo na magkaroon ng ganitong karamdaman. Natitiyak ko
kasing kung ikaw ang magulang, makakaramdam ka ng matinding sakit kapag ganito
ang hitsura ng iyong anak. Pinagtatawanan at kinatatakutan.
Kay asana, makuha mong i-appreciate ang mga bagay na mayroon
ka. Kung hindi’y baka iparanas Niya sa’yong ang matinding sakit tulad ng
nararamdaman ng ina ng ating bida.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento