NAKUPO, hindi pala lahat ng herbal pills ay makabubuti. Ayon
kasi sa aking pagsasaliksik, kapag ang babae ay umiinom ng herbal pills para
mapigilan ang kanyang menopausal ay maaari siyang magkaroon ng liver cancer.
The only permanent thing in this world is change, sabi nga.
Kaya naman ang lahat ng pagbabago na nangyayari sa ating paligid ay kailangan
nating tanggapin. Kung hindi ay madi-disappoint lang tayo.
Kaya kung makikita mong ang isang lote ay bakante, huwag
mong asahan na habambuhay ay manantiling walang nakatira riyan. Baka sa muli
mong pagdaan sa lugar na ‘yan ay mayroon ng bakay o gusali na nakatayo riyan.
Sa bawat araw na magdaan nga, ang mga bata ay laging may natututunan na
siguradong magagamit nila sa kanilang paglaki.
Ikaw, handa ka bas a mga pagbabago?
May mga babae kasi na hindi magawang tanggapin na
nangungulubot na ang kanilang balat kaya naman kung mayroon lamang silang pera
ay agad sila pupunta sa mga beauty clinic upang magpabanat ng mukha. Iyon nga
lang, kahit na suki na sila ng mga
dermatologist ay siguradong darating din na ang araw na lalawlaw ang kanilang
balat sa ayaw nila at sa gusto.
IKaw, handa ka na ba sa pagbabago?
At ang pinakamatinding pagbabago na mararamdaman ng mga
babae ay kapag malapit na silang mag-menopause. Kapag malapit na kasing mawala
ang kanilang regla ay tiyak na makakaramdam ka ng hot or cold flushes na hindi
mo maipaliwag kung saan nga ba ito nagmumula kaya naman makakaramdam ka ng
pagkairita. Dahil sa hindi mo gustong maramdaman ito ay maghahagilap ka ng
paraan para hindi mo maramdaman ang mga ganitong epekto sa’yong katawan.
Dahil sa rami ng babae na ayaw na makaramdaman ng mga
sintomas ng menopausal, siguradong magiging mabili sa kanila kapag may nag-alok
sa kanila ng herbal pills
Ganoon ka ba?
Naku, kung sasabihin mong ‘oo’, kailangan sigurong mabalaan
kita dahil kapag ang babae ay madalas uminom ng herbal pill ay maaari silang
magkaroon ng liver cancer. Tulad na lamang ng babaeng taga-United Kingdom na
parating umiinom ng herbal pill upang hindi niya maranasan ang mga sintomas ng
malapit ng mag-menopause.
Ang Black cohosh root ay sangkap na ginagamit upang
malabanan ang mga sintomas ng mga nagmemenopause tulad ng hot flushes, night
sweats, hindi pagkatulog, pagbabago ng mood at iritasyon.
Nakakairita kasi kapag may ganitong nararamdaman ang mga
babae. Hindi nila magawa ang kanilang mga trabaho ng mahusay kaya nais nilang
iwasan na makaramdam ng kung anu-anong pagbabago sa kanilang katawan. Kaya
naman kung may mga herbal pills na inaalok at nangangakong hindi nila
mararamdaman ang kalimitang nadarama ng mga malapit ng mag-menopause, tiyak na
marami ang bibili.
Kung naiisip mo na ring bumili nito, kailangan mo munang
basahin ang artikulo na ito upang ikaw ay aking mabalaan. Isang babae kasi na
nagmula sa UK ang kinakailangang sumailalim sa liver transplant dahil sa pag-inom niya ng herbal pill upang
hindi niya maramdaman ang mga sintomas ng mga nagme-menopause.
Ayn kasi kay Richard Woodfield, ang head ng Medicines and
Healthcare products Regulatory Agency (MHRA), kapag ang isang tao ay mayroong
history ng liver problem, hindi na dapat gumamit ng sangkap na Black cohosh
root dahil hindi ito makakabuti sa’yong atay.
O, hihintayin mo bang mangyari ito sa’yo?
Ah, mas maiging alamin mo muna kung ano ang iyong medical
history bago ka magdesisyon na uminom ng kung anu-anong pills. Makabubuti rin
kung tatanggapin mo na lang kung ano ang nakatakda. Tutal lahat naman talaga ng
tao ay sa pagtanda ang ating patutunguhan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento