MADALING mag-menopause ang babaeng mahilig mag-make-up at
mag-hairspray, ayon sa pagsasaliksik.
Naniniwala ang babae na kapag nag-aayos siya ay magiging
magandang-maganda siya sa paningin ng kanyang minamahal. Tiyak din na siya ay
pangingilagan ng ibang babae dahil mas lumulutang ang kanyang ganda kapag siya
ay nag-aayos. Ang pagmi-make up at paggamit ng hairspray ay ilan lamang sa
paraan ng babae upang mas maging maganda siya.
Ikaw ba ay gumagamit ng make-up? Naghi-hairspray ka ba upang
hindi magulo ang iyong buhok?
Kung sasabihin mong ‘oo’ tiyak nga na magiging maganda ka sa
paningin ng marami. Ngunit, bilang
babae, kailangan mo ring malaman na may masama ring dulot ang sobrang
paglalagay ng make-up at hairspray. Sabi nga sa pagsasaliksik ay maaaring
mapaaga ng dalawang taon ang pagtatapos ng iyong regal dahil sa labis na
pagmi-make-up at paggamit ng hairspray.
Sa mga make-up at hairspray kasi ay nakatagpo ng sobrang
kemikal na makapagdudulot ng maagang paghinto ng regla. At kung sobra kang
gumamit ng make-up at hairspray, maaaring mapaaga ng 15 years an gang
pagtatapos ng iyong regal.
Maaari ngang sa may advantage iyon sa’yo dahil hindi mo na
kakailangan pang gumamit ng napkin buwan-buwan ngunit, kailangan mo rin namang
isipin na may hindi magandang epekto iyon sa’yo. Sa paghinto kasi ng iyong
regal ay hindi ka na maaari pang magkaanak. O, nais mo ba iyon. Tiyak kong
hindi dahil bawat babae, lalo na ang may-asawa ay nanaisin na magkaroon ng
anak. Kung minsan kasi ay napakalaking kakulangan sa isang babae iyong hindi
nabiyayaan ng sanggol.
Kaya, kung ikaw ay may balak na mag-asawa, mas makabubuting
maghinay-hinay ka sa paggamit ng hairspray at paglalagay ng make-up. Sabi nga
ng American researchers, makakaapekto iro sa reproductive system ng isang
babae. Dahil doon ay hihinto ng mas maaga ang kanyang regal.
Nais mo ba itong mangyari ito sa’yo? Huwag naman sana kaya
pirmi kang mag-iingat. Tandaan, lahat ng labis ay makasasama. Huwag mo naman
sanang hayaang mangyari iyon dahil sa huli ay ikaw din ang magiging kawawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento