Sabado, Agosto 2, 2014

PAGTULOG SA TENT, GAMOT SA INSOMIA

MAHIRAP makatulog! Ito ang kalimitang sigaw ng mga taong mayroong insomia. Kahit kasi ano ang kanyang gawin ay hindi niya makuhang makatulog. Kahit pa nagawa na ng mga taong may insomia na magbilang ng 100 baka sa kanilang isipan, hindi pa rin nila magawang  makatulog.

Ikaw, may insomia ka ba?
Sure ako na nahihirapan ka rin kung mayroon kang insomia. Biro mo nga naman, ibig  mo na matulog pero hindi ka pa makatulog. Hay, pahirap talaga. Tiyak kasi na nakatulog ka ay hindi ka magigising ng maaga. Ang resulta, mali-late ka palagi sa’yong eskuwela o trabaho.
O, nais mo bang maresolba ang iyong problema sa’yong insomia?
Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na ang pagtulog pala sa tent ay makatutulong para magamot ang iyong insomia. Ang exposure kasi sa bukang-liwayway at sa dapit-hapon  ay makatutulong para mabago ang iyong body clock..
O, hindi ba kapag ang isang bagay ay nagagawa na nating makasanayan ay magiging sunud-sunod na iyon. Kaya naman kung makakasanayan mo na matulog, nang maaga, magtutuloy-tuloy na ito.
Sabi ng mga scientist, kapag nasanay na ang iyong mga mata sa liwanag na nagmumula sa bukang-liwayway at takip-silim, sure na magiging madali na sa kanya na matulog sa tamang oras. Ang kailangan lang gawin ay matulog ka sa tent ng isang linggo.
Kaya naman kung ikaw ay hindi makatulog, gawin mo ito. Para maging happy ang iyong family at magkaroon kayo ng family bonding ay yayain mo silang matulog sa tent.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...