KAHIT na mayroon kang Alzheimer's hindi pa rin mawawala ang
iyong alaala kung araw-araw kang iinom ng mineral water, ayon sa
pag-aaral.
Napakaimportante ng tubig sa ating katawan, nagagawa kasi
nitong malinis ang ating lalamunan kapag kumain tayo ng maalat, matamis, maasim
o maanghang. Pero, alam mo bang hindi lang pantanggal ng lasa ang nagagawang
tulong nito sa atin. Nagagawa rin nitong pagandahin ang aura. At para sa mga
mayroong Alzheimer's, hindi nila basta-basta malilimutan ang kanilang nakaraan
kung araw-araw silang iinom ng mineral water.
Napagtanto kasi ng mga British researchers na ang pag-inom
ng silicon-rich mineral water ay nagawang pababain ang neurotoxin aluminium sa
ating katawan. Ang aluminium kasi ay
maaaring maging dahilan upang magkaroon ng Alzheimer's ang isang tao. Bagamat
hindi naman sinasabi na maaaring lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng
Alzheimer's ay naobserbahan na ang pag-inom ng mineral water ay nakakatulong sa
pasyente upang mapigilan ang kanilang paglimot.
Ang mga pasyente nga na sumailalim sa pag-aaral, sila ay
‘yung mga may Alzheimer's, umiinom ng isang litrong mineral water sa isang araw
ay hindi naging makakalimutin. Marami pa rin siyang naaalala sa kanyang
nakaraan.
Hindi namn siguro kaila sa’yo na kalimitan sa mga taong
mayroong Alzheimer's ay madali ng makalimot. Kung minsan nga, maging ang
mahahalagang tao sa kanilang buhay ay nakakalimutan din nila. Kaya naman
napag-alaman na ang mineral water talaga ay makakatulong sa atin lalo na sa mga
taong mayroong Alzheimer's.
O, ano, babalewalain mo pa ba ang pag-aaral na ito. Hindi
kaya mas mabuting lagi kang uminom ng mineral water kahit na wala ka pang
Alzheimer's? Malay mo, dahil dito ay madali mong maalala ang mga importanteng
detalye sa’yong buhay.
Kung isa kang estudyante, hindi kaya maiging subukan mong
uminom ng mineral water? Malay mo sa pamamagitan nito ay makakuha ka ng mataas
na marka dahil hindi mo basta malilimutan ang iyong pinag-aralan.
O, iinom ka na ba lagi ng mineral water?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento