MGA batang nabagok ang ulo ay may posibilidad na maging kriminal
sa kanilang pagtanda, sabi sa pag-aaral.
Kidnapping, Robbery , homicide at Murder – ito ang
kalimitang krimen na nangyayari nsa ating kapaligiran. Kaya naman kung minsan
ay nakakatakot nang lumabas ng bahay o kaya ay mamasyal ng gabi. May pangamba
na kasing namamahay sa ating dibdib. Baka kasi sa paglabas mong iyon ay
makasalubong mo si Kamatayan. Maamo man ang mukha ng taong masasalubong mo ay
hindi ka pa rin nakatitiyak kung mabuti siyang tao. Malaki rin kasi ang
posibilidad na may hawak siyang baril o patalim at bigla na lang niyang
maisipang undayan ka ng saksak.
Siguro naman ay madalas kang magbasa ng diyaro, makinig ng
radio at manood ng telebisyon. Sa pamamagitan noon ay malalaman mo na marami
talagang krimen na nangyayari sa ating bansa at kung minsan ay may mga kabataan
pa ang sangkot sa paggawa ng krimen.
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ito ang wika ni Dr. Jose
Rizal. Sa palagay ko naman ay may katotohanan ang kanyang ipinahayag. Tingnan
mo nga, maraming ng gadgets ang naimbento at kung anu-ano pang kagamitan na
talagang kapaki-pakinabang. Ngunit, may mga kabataan pa ring pasaway at
pasimuno ng krimen.
Kung minsan nga ay hindi mo rin maiwasan ang magtaka. Siya
naman ay mula sa mabuting pamilya subalit tila nawawala sa kanyang isipan ang
mga kabutihang naituro sa kanya at pinili na lamang gumawa ng masama.
Sa tingin mo ba ay pasaway ang iyong anak? Kung wala ka pang
anak, nanaisin mo bang maligaw siya sa landas? Tiyak kong hindi hindi kaya
kailangan mong gawin ang lahat ng paraan upang hindi siya mapariwara.
Nakagigilalas lamang na malaman na maaari rin palang maging kriminal ang isang
bata sa kanyang paglaki kapag nabagok ang kanyang ulo.
Ang pinsalang natamo ng taong nabagok ay maaaring maging
dahilan upang mawalan ka ng pasensiya o kaya naman ay maging pabigla-bigla ka
sa’yong ginagawa. Kapag nadala mo ang maling attitude na ito sa’yong paglaki,
tiyak na ikaw ang taong madaling mapikon. Kung minsan nga ay hindi mo na
magagawa pang makapag-isip ng tama. Ang gugustuhin mo lamang ay makapanakit sa
taong nanakit sa’yo o madali mong makuha ang bagay na iyong gustuhin.
Kaya naman, habang bata pa ang iyong anak, kailangan mo
siyang pangalagaang mabuti upang hindi siya matulad sa mga naging criminal
ngayon. Sa pagsasaliksik nga ay napagtanto na ang mga naging criminal ay
mayroong iisang pagkakapareho, nabagok ang ulo nila noong kanilang kabataan.
Ngayon, nanaisin mo pa bang pabayaan ang iyong anak?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento