Narito po ang mga kakaibang artikulo na
aking nakalap. Sana
po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.
SABI ng mga eksperto, ang screening para malaman kung mayroon kang bowel cancer, breast can cer at dementia, ay hindi makatutulong sa’yo. Sa pamamagitan kasi nito ay madadagdagan lang ang takot sa’yong dibdib.
May mga pagkakataon naman na mabuting-mabuti ang pakiramdam
mo sa’yong sarili pero magkakaroon ng screening test sa inyong kompanya o barangay ay manghihinayang ka na ito ay
palampasin. Alam mo naman kasi na ang pagpapa-check up ay napakamahal kaya kung
mayroon namang libreng konsultasyon ay siguradong gugustuhin mo ng alamin kung
pasado ka sa screening test. Sabi nga ng UK National Screening Committee, kapag
sumailalim ka sa screening, asahan mo na mayroong pros at cons o
advantage at disadvantage.
Bagamat may malaking advantage ang screening test sa atin,
mayroon pa rin itong disadvantage. Sabi nga kasi ng mga eksperto kapag ang
isang tao ay sumalang sa screening test at sasabi na mayroon siyang karamdaman,
siguradong ang pangamba sa kanyang puso ay mamamahay na. Dahil nga sa alam niya
na mayroon siyang karamdaman ay gugustuhin niyang gumaling agad. Dahil tuloy
doon ay kung anu-nong gamot ang kanyang iinumin.
Kaya, paalala ng mga eksperto, makabubuti kung hwag
basta-basta sasalang sa kung anu-anong screening test. Kahit naman may
posibilidad na agad kang gumaling dahil maagang na-detect ang iyong karamdaman,
malaki pa rin ang posibilidad na may maidulot na masama sa’yo ang pag-i-screen
test.
Aniin mo man o hindi, alam kong nakakaramdam ka agad ng
takot kapag sinabi ng doctor na maaari kang magkaroon ng cancer o dementia.
Maiisip mo kasi agad na paano ka na at paano na ang mga mahal mo sa buhay na
maiiwan kapag hindi ka naghagilap agad ng solusyon. Dahil nga sa may takot ng
nararamdaman ang tao, hindi na siya sasailalim pa sa isa pang screening para
mapatotohanan ang sinabi ng unang manggagamot. Paano’y natatakot na siya kaya
naman ang gamot na ibinigay sa kanya ng nagpa-screen test sa kanya ang agad
niyang tatanggapin. Kung ganoon ang gagawin mo, baka naman lalong lumala ang
iyong karamdaman.
Ah, kailangan mong malaman na hindi porke sinabi sa screen
test na mayroon kang dementia o cancer ay agad ka ng maniniwala. Kailangan mo
pa rin siyempreng bumisita sa ospital at mgpatingin sa espesyalista kung ano nga ba ang stage ng iyong karamdaman o kaya
naman kung anu-ano ang gamot na makabubuti sa’yo kung talaga nga bang may
ganoon kang karamdaman.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento