Huwebes, Agosto 7, 2014

LASER TOYS, NAKABUBULAG!


Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 

IBIG natin na mapasaya ang ating mga anak, kaya naman lahat ng gusto nila ay aking ibinibigay. Kung kaya rin lang natin siyempre. Sabi nga, minsan lang maging bata ang tao kaya naman lahat ng laruan ay gusto nating ibigay sa kanila. Sa pamamagitan kasi noon ay magagawa nilang masiyahan.

Ngunit, hindi dapat lahat laruan ay ipagkaloob natin sa kanila. May mga laruan kasi na makasasama sa kanila. Kaya, kung sobra kang nag-aalala sa’yong anak, kailangan mong alamin kung anong laruan ang hindi dapat na ibigay sa kanila.
Sa pag-aaral kasi ay napag-alaman na ang mga umiilaw na laruan na mayroong laser toys  o umiilaw ay makasasama sa kanila. Maaari raw kasi silang mabulag.
Sabi nga ng US Food and drug Admisnistration (FDA) ang mga laruan na mayroong lightsabers at spinning tops (trumpo) ay  mayroong p[owerful lasers na maaaring makapinsala sa ating mata.
O, hindi ba, kapag tinititigan mo ang espadang umiilaw, baril-barilan na umiilaw at kung anu-ano pang umiilaw na laruan ay nakakaramdam ng kakaibang sakit ang iyong mga mata. Hindi natin iyon gaanong pinapansin subalit maaari iyong makabulag.
Isipin mo na lamang, kung ikaw na sandali lang napatitig sa mga laruang iyon, paano pa ang mga bata na nakatutok ang mata sa umiilaw nilang laruan.
Sabi nga ni Dan Hewett, health promotion officer ng FDA Center for Devices and Radiological Health, hindi dapat tingnan ng tao o  hayop ang umiilaw na laruan ng diretso.

Sana sa pamamagitan ng artikulo na ito ay nagawa kong maipamulat sa ilang magulang na hindi dapat na laging bigyan ng umiilaw na laruan ang anak lalo na’t hindi pa ito marunong sumunod. Okay lang sana kung ang laruan ay may sapat na proteksyon para hindi mapinsala ang kanilang mga mata. Kung may isip na naman ang bata, ipaliwanag mo na lang sa kanya na hindi porke maganda ang ilaw ng kanyang laruan ay dapat niyang laging titigan. Siguro naman ay magagawa rin niyang makaunawa kung sasabihin mo na masama sa mata ang labis na pagtitig sa umiilaw na laruan. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...