Huwebes, Agosto 7, 2014

MGA LALAKING ‘DI KUMAKAIN NG MASUSUSTANSIYA, MABABAOG!

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 

NAKU, sure akong marami na namang dugong mabubuhay sa topic natin for today, lalo na ang  guys. Sila kasi ang bida sa artikulo natin ngayon. Kaya, kung ikaw ay isang lalaki na nangangarap na magka-baby, kailangan mong basahin ang article natin ngayon.

Huwag mong isipin na porke madalas na churvahan ang lalaki ay makabubuntis na siya. Ang dapat na muna kasing itanong,  may kapasidad ba siyang magkaroon ng anak?
Kung minsan, talagang mapagbiro ang tadhana. Birun mo, kahit gustung-gusto ng guy na maging ama, malaki pa rin ang posibilidad na hindi ito mangyari. Ang mga kinakain ng lalaki ay isang paraan upang hindi ka magkaroon ng anak. Ang mga walang sustansiyang pagkain ay hindi makakatulong para matupad ang ambisyon mong magkaanak. Sa halip ay magiging hadlang pa ito pa ikaw ay maging ama.
Ayon sa pag-aaral, kung nais mo talagang maging ama, ang mga pagkaing dapat mong kainin ay prutas, gulay, isda at mani. Ang mga pagkain kasing ito ay makakatulong para maiwasan mong magkaroon ng sperm aging.
Guys, kailangan ninyong ibaon sa malikhaing pag-iisip na hindi lang kayo ang tumatanda, maging ang sperm ninyo ay nagkakaroon din ng problema kapag hindi kayo nakakakain ng masusustansiya.
O, hindi ba, kapag kumain tayo ng mga pagkaing sobrang alat ay nagkakaroon tayo ng sakit sa bato, malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng almoranas kung hilig mo talaga ang pagkain ng maaanghang, kung sobra-sobra naman ang matatamis na pumapasok sa’yong katawan ay maaari kang magkaroon ng diabetes at kung mahilig ka sa mamantika, may tendensiya na magkaroon ka ng sakit sa puso. Ngunit, alam mo bang mari ka pang mga sakit na maaaring makuha sa pagkain mo ng mga walang sustansiyang pagkain. Dahil nga makakaramdam ka ng panghihina dahil sa’yong mga kinakain, sure din ako na pati ang sperm mo ay manlalambot.
Kung mangyayari nga iyon, tiyak na hindi ka na magkakaroon pa ng anak. Kaya, kung nais mo talagang magkaroon ng junior, kailangan ay kumain ka ng masusustansiyang pagkain.
Sabi ng mga scientist sa California, kung ibig mong magkaanak, ang dapat mong kainin palagi ay prutas, gulay, isda at mani. Kung magiging matigas ang ulo mo at gugustuhin mo pa ring uminom ng alak, kumain ng sitsirya, matatabang pagkain at kung anu-ano ngang masasarap ngunit wala ka namang makukuhang sustansiya, huwag mo na asahan na magkakaroon ka ng anak.
Sabi nga ni prof. Simon Eishel, managing director of CARE Fertility Group at isang World’s leading specialist, huwag daw i-underestimate ng mga lalaki ang pagdidiyeta. Malaki ang maitutulong nito para ikaw ay magkaanak.
O, feel mo bang magka-baby?
Kung ganu’n ibasura mo na ang mga pagkain na hindi magkakaroon ng kapaki-pakinabang sa’yong katawan. Tandaan mo na lang, masarap magkaanak.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...