Linggo, Agosto 10, 2014

MGA TAONG MAY CAVITIES, WALANG MOUTH AT THROAT CANCER

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 


YAK, kadiri, nakaka-turn off! Hah, sure na sure ako na ang mga katagang ito ang agad  ibubulalas kapag nakita mong may sira ang ngipin ng isang tao. Gaano man siya kaganda o kaguwapo, nagiging pangit pa rin siya sa ating paningin kapag nakita mong mayroon siyang tartar.
Kaya, kung ayaw mong magkaroon ng sira-sirang ngipin na magiging dahilan para ma-turn off ang iyong crush, kailangan mong magsipilyo pagkatapos kumain. Maigi ring kung gagamit ka ng mouthwash upang mamatay ang mga bacteria na namamahay sa’yong bibig. Kapag nagawa mo ito, sigurado na marami ang magka-crush sa’yo. Kung ikaw ay isang babae, siguradong pila-pila ang mga manliligaw mo.

Sa malikhaing pag-iisip ng mga eksperto, hindi ko maiwasan ang mapakunot. Naningkit ang aking mga mata habang nakatitig sa screen ng computer. Para kasing hindi ko mapaniwalaan na ang pagkakaroon pala ng cavities ay may kabutihan ding naidudulot sa ating buhay. Akalain mo ‘yon!
Sa pagsasaliksik ko kasi’y napag-alaman ko na ang mga taong mayroong cavities partikular na ang mga matatanda ay nakakaiwas sa Mouth at throat cancer. Naniniwala ang mga nanaliksik ay dahil ang lactic acid na nabubuo ng cavities ay nakakaawat upa mag-develop ang cancer cells. Kaya naman ang mga taong maraming cavities ay bihirang magkaroon ng mouth at throat cancer.  
It so unfair!  Alam kong ito ang isisigaw ng ilang tao na sobrang pag-aalaga sa kanilang ngipin. Para naman kasing napakaimposibleng mangyari iyon ngunit sa maniwala ka’t sa hindi, maging ang mga espesyalista ay nagulat.
Ngunit sa pagsasaliksik na isinagawa ng University of Buffalo, New York, na pinamumunuan ni Dr. Mine Tezal, kumuha sila ng 399 katao na mayroong cancer. Pagkatapos ay ikinumpara nila iyon sa 221 katao na walang cancer. At ang resulta, ang mga, ang mga taong walang mouth and throat cancer ay may cavities.
O, hindi naman porke, ayaw mo magkaroon ng mouth at throat cancer ay gugustuhin mo ng magkaroon ng cavities, ha. Mayroon pa namang paraan para hindi ka magkaroon ng mouth at throat cancer kahit magandang-maganda ang ngipin mo. Isa na nga roon ang pagkain ng yogurt. Sa pagsasaliksik ay mayroon itong lactic acid ingridients.
O, ayaw mo bang magkaroon ng mouth at throat cancer?
May dalawa kang pagpipilian.  Magkaroon ng cavities o kumain ng yogurt.
Ano ang iyong pipiliin?







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...