Linggo, Agosto 10, 2014

PAGPUNTA SA MARS, MAS MAINAM KAYSA MAGPAKAMATAY

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin


MARAMI man tayong kinakaharap na problema, kailangan pa rin nating tandaan na masarap mabuhay. Nagagawa nating gawin ang mga nais nating gawin at nakakaramdam tayo ng kasiyahan. Iyon nga lamang, may pagkakataon na kailangan nating umiyak. Gayunman, hindi ito dahilan para tayo’y sumuko. Dapat nga ay maging  dahilan iyon para tayo ay maging matapang.
Nakalulungkot lang isipin na may mga tao na nawawalan ng pag-asa kapag sila ay nagkakaproblema. Karamihan pa nga sa kanila ay nababaliw o naiisipang magpakamatay. Ang dahilan nila, ibig nilang takasan ang kanilang problema. Ngunit, magagawa nga ba nila itong takasan? Hah, sure ako na hindi. Kahit naman kasi mawala na sila sa mundo na ito, alam kong hindi pa rin sila matatahimik. Sabi nga, hindi makakapasok sa pintuan ng langit ang mga nagpakamatay.
Ikaw, paano mo solusyunan ang iyong problema?

Sana ay huwag mong gayahin ang mga taong nagpapatiwakal. Kailangan ay labanan mo ang lahat ng problemang dumarating sa’yong buhay. Sabi nga, lahat naman ng problema ay mayroong solusyon. Kaya, ang problema ay iyong solusyunan. Kung sakali na gusto mo talagang tumakas sa mundong ito, makabubuting basahin mo ang artikulo na ito. Sa pamamagitan kasi nito ay mabibigyan kita ng ideya kung saan lugar maaaring pumunta.
Sa aking pagsasaliksik ay napag-alaman ko na maaari ka palang bumili ng ticket papunta sa Mars. Katunayan, mayroon ng 200,000 katao mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang nag-apply para makarating sa Red Planet.
O, hindi ba, mas okay na umalis ka na lang sa mundo na ito ng buhay kaysa naman magpakamatay ka. Aba, ang buhay mo ang pinakamagandang regalo ni God sa’yo kaya huwag mong balewalain. Mahiya ka naman sa mga tao na mayroong kapansanan at matinding karamdaman pero nagpipilit pa rin lumaban para madugtungan ang kanilang buhay. Sana rin ay maisip mo ang pamilya mo na labis na nagmamahal sa’yo at nasasaktan dahil hindi mo sila pinahahalagahan. Gayunman, buhay mo ‘yan, kaya ikaw ang magdesisyon para sa’yong sarili.
O, nais mo bang magpunta sa Mars?
Kung talagang ayaw mo ng makita ang mga taong nagmamahal sa’yo at nagsasawa ka ng mabuhay sa ating mundo, maiging magpunta ka nga sa Mars. Iyon nga lang, kailangan mong tandaan na kapag umalis ka na sa ating mundo ay hindi ka na makababalik pa. Ang mga tao kasing maaaprubahan na makapunta sa Mars ay hindi na makababalik pa dito. Dahil mananatili ka na roon hanggang sa’yong kamatayan.
Huwag mo na rin alalahanin pa ang mga tao na iyong maiiwan dahil kahit wala ka naman sa mundong ito ay makikita ka pa rin nila.
Ang 24 to 40 tao na maaaprubahang makarating sa Mars ay ipapalabas sa TV kaya naman pati ang kamatayan mo ay masasaksihan din nila.
O, handa ka na bang gugulin ang buong buhay mo sa Mars. Alalahanin mo, ang init doon ay nasa 150 C.
Ngayon kung ready ka na talaga, magkakaroon ng 7 year training program na mag-uumpisa sa 2015. Pagnakapasa ka na roon ay magkakaroon ka ng interview sa mga miyembro ng Mars One, sila iyong magpapadala ng mga tao sa Mars. At pagkatapoos ay may iba’t ibang challenge kang kakaharapin kasama ang ilan pang napili.
O, handa ka na bang makipagtunggali sa iba pang tao na sabik ding iwanan an gating mundo?



1 komento:

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...