Narito po ang mga kakaibang artikulo na
aking nakalap. Sana
po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.
SA aking pagsasaliksik ay napag-alaman ko na ang pagdi-day off daw ay nakatataba!
Naku po, siguradong marami ang empleyado ang magri-react sa
aking sinabi. Siyempre, lahat ng nagtatrabaho ay kailangan din ng isa o
dalawang araw na pahinga. Hindi naman porke marami kang ginagawa, aabusuhin mo
na ang iyong sarili. Tiyak na magkakasakit ka kapag hindi mo itinigil ang
pagtatrabaho.
Sabi nga, kailangan mong mag-relax. Kaya kung mayroon kang
day off, makabubuting huwag ka munang
mag-isip tungkol sa trabaho. Mag-enjoy ka muna. Ito na ang pagkakataon mo para
magsaya. Sabi nga, kailangan mo ring mag-happy happy. Ngunit, bago ka
makaramdam ng sobrang kasiyahan dahil mayroon kang day off, kailangan mong
basahin ang artikulo na ito.
Sa pagsasaliksik ng aking malikhaing pag-iisip ay napagtanto ko na kapag ang
isang tao ay nagdi-day off, napakalaki ng tsansa na siya ay lumaki nang lumaki.
As in, tataba siya ng husto. Kaya , ang mga taong magkakaroon ng bakasyon mula
sa kanilang trabaho ay kailangang mabalaan ng husto.
Kung tayo ay nagtatrabaho ay wala tayong ginawa kundi isipin
kung paano matatapos ang ating trabaho. Kung minsan nga ay hindi na halos tayo
nagbi-break dahil ibig natin na mapa-‘wow’ ng husto ang ating mga bossing.
Samantalang kapag nag-off tayo, wala tayong ibang iisipin kundi kung paano
masisiyahan o paano natin mai-enjoy ang araw na iyon.
O, hindi nga ba, kapag nasa bahay lang tayo, wala itayong
ibang mapuntahan kundi ang kusina. Sa madaling salita ay wala tayong ginawa
kundi kumain nang kumain. Pagkaraan ay matutulog tayo. Ang resulta noon, bibigat ang ating timbang.
At kahit na nagpasya tayong mag-mall, at nag-window shopping ka o naglakad nang
pagkahaba-haba, siguradong sa fastfood o restaurant din ang magiging
destinasyon mo.
Kaya naman sa pagsasaliksik ng mga malikhaing pag-iisip ng mga eksperto
ay aking napag-alaman na 10,000 calories ang naku-konsumo ng mga taong nagdi-day off. Aminin mo, mas masarap kumain kapag kasama mo ang iyong pamilya o mga kaibigan. Kung minsan nga ay mas gaganahan ka pang kumain kapag may softdrinks o alak. At mas mabilis pa ang pagiging pagtaba mo kung 2 araw ang iyong day off.
ay aking napag-alaman na 10,000 calories ang naku-konsumo ng mga taong nagdi-day off. Aminin mo, mas masarap kumain kapag kasama mo ang iyong pamilya o mga kaibigan. Kung minsan nga ay mas gaganahan ka pang kumain kapag may softdrinks o alak. At mas mabilis pa ang pagiging pagtaba mo kung 2 araw ang iyong day off.
O, hindi ba, karamihan sa mga nagtatrabaho sa atin ay Lunes
hanggang Biyernes lang ang pasok.
Kung ibig mong magkaroon ng magandang katawan, nanaisin mo
pa bang mag-day off?
Naku, kaya naman pala tumataba ako. huhuhu...araw-araw day off.
TumugonBurahin