Linggo, Agosto 10, 2014

PANANAKIT NG ULO, PANANAKIT NG SIKMURA, AT NAUSEA, SENYALES NG NABU-BULLY

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 



MASAMA ang pakiramdam ko, hindi ko feel pumasok. Ito ang kalimitan katwiran ng mga bata kapag hindi sila bumabangon sa kanilang higaan kahit ilang beses mo na silang ginising.
Bilang magulang, hindi mo maiwasan ang labis na mag-alala kapag sinabi nilang masakit ang kanilang ulo o tiyan  o leeg o likod o kung anuman. Tapos ay susundan pa nila ng pag-iyak at makikiusap na huwag na silang papasukin dahil masama nga ang kanilang pakiramdam.

Sino ba namang magulang ang hindi makakaramdam ng matinding awa kapag namumutla na ang iyong anak? O, hindi ba kung minsan nga ay parang gusto mo ng saluhin ang sakit na kanyang nararamdaman. Tingin mo kasi ay hirap na hirap siya kaya naman matindi pa ang kanyang pagkakangiwi. Kaya naman ang una mong iisipin ay isugod na siya sa ospital, maaari kasi mayroon siyang seryosong karamdaman.
O, hindi ba, talaga namang hindi dapat balewalain ang nararamdamang sakit? Kahit pa sabihing kaunting sakit lang ang iyong nararamdaman, maaari pa rin ‘yang lumala kapag hindi naagapan. Kaya naman sasabihin mo sa iyong anak na magpunta na kayo sa ospital ngunit magpapakatanggi-tanggi siya at sasabihing magpapahinga na lamang siya.
Kapag ganoon ang salita ng iyong anak, hindi  ba nagdududa ang malikhaing pag-iisip mo? Maaari kasing naghahanap lang siya ng dahilan para hindi pumasok.
Sabi nga sa pag-aaral, kalimitan sa mga estudyanteng ayaw pumasok at nagsasabing may sakit siyang nararamdaman ay iyong nabu-bully o laging inaapi. At kung minsan, ay hindi lang ito dahilan dahil maaari talagang sumasakit na ang kanilang ulo dahil mayroon na silang  psychosomatic symptoms.
Sabi nga ng mga mananaliksik, ang pananakit ng ulo, pamimilipit sanhi ng sakit sa sikmura at nausea ay sintomas ng nabu-bully ang isang tao. Kaya kung madalas mong makitang may ganitong karamdaman ang iyong anak o kaya ang iyong estudyante, makabubuti kung kakausapin mo siya at paaminin kung mayroon ba sa kanyang nambu-bully.
Ayon pa sa mga mananaliksik sa University of Padua, Italy, 220,000 estudyante sa 14 na bansa ang may ganitong karamdaman. Kaya naman kailangan talagang sila ay matutukan. Dahil kung mayroon silang psychosomatic symptoms ay malaki ang posibilidad na mapabayaan na nila ang kanilang pag-aaral. Magiging mahina rin siya. Hindi lang siya panghihinaan ng loob, maging ang katawan nila ay magiging mahina rin.
O, nais mo bang maging mahina ang iyong anak?
Sure akong sasabihin mong hindi, dahil maaaring mawalan sila ng gana mag-aral dahil ang gugustuhin na lamang nila ay magkulong sa kanilang silid.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...