Linggo, Agosto 10, 2014

MICROSCOPIC LENS, NASA CP NA!

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin


WOW, maaari ng magkaroon ng microscope ang iyong cellphone, sabi sa pagsasaliksik.
Bagamat mayroong camera ang ating cellphone, hindi pa rin ito sapat para mapagmasdan mo ng mabuti ang isang bagay. O ang isang napakaliit na bagay. Kaya, wala kang ideya kung gaano nga ba iyong karumi o kaliit. Kaya naman naisipan ng isang graduate na mag-imbento ng isang microscopic lens at ilagay sa cellphone.
Naniniwala siya na marami ang magkakainteres sa lens na ito. Likas naman naman kasi sa mga tao ang maging mapagtuklas at karamihan sa atin ang naniniwala na sadyang makakatulong ang microscopic lens na ito sa pagtuklas natin sa mga bagay-bagay.

Kung titingnan mo ang isang barya ay tila isang ordinaryong bagay lang. Bagamat alam natin na marumi ang pera, parang hindi naman natin ito gaanong pinaniniwalaan. Kung minsan nga ay enjoy na enjoy pa tayo sa paghawak ng barya o kaya ay pagbibilang ng barya. Paano, ang ibig sabihin nito ay marami tayong mabibili.
Kaya naman, marami ang madalas magkasakit. Wala kasi silang ideya kung gaano karumi ang kanilang mga hinahawakan. Kahit naman kasi kunan mo ng camera ang isang bagay, hindi mo makikita roon ang mga germ na madali mong makita kung ang gamit mo ay isang microscopic lens.
O, nais mo bang magkaroon ka ng microscopic lens na ito sa’yong cellphone?
Kung nais mong makita ang lahat ng dumi na nasa isang bagay, makabubuting lagyan mo ng ganito ang iyong cellphone. Tiyak na sa pamamagitan noon ay magdadalawang-isip ka na kung patatagalin mo pa ang paghawak sa barya kung agad mong makikita na super nakakadiri ito. Ang Micro Phone Lens na ito ay inimbento ng 22 taong gulang na si Thomas Larson, taga-Seattle. Tapos na siya ng Mechanical Engineering sa University of Washington.
Kung nais mong magkaroon nito sa’yong cp, ang presyo nito ay nasa P600. Maaaring sa ibang tao ay may kamahalan nga ito subalit kung susuriin mo namang mabuti ay malaki ang maitutulong niyon sa’yo. Kung makikita mo agad na napakarumi ng isang bagay, siguradong hindi mo na kukunin. At kung kukunin mo man, siguradong maghahagilap ka agad ng tubig at sabon o kaya ay alcohol para matiyak mong mapupuksa nito ang germs na nasa iyong kamay.
Ang lens naman na ito ay mayroong platinum catalyzed silicone, isa itong sticky material na maaaring hugasan ng sabon at tubig. Huwag kang mag-alala, hindi ito masisira sa sabon at tubig kaya talagang kapaki-pakinabang ito.
O, gugustuhin mo bang magkaroon nito?




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...