Narito po ang mga kakaibang artikulo na
aking nakalap. Sana
po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.
Naku po!
Abot-abot ang hingal na ginagawa ng ating mga kababayan
(kabilang na ako ru’n) kapag traffic. Siyempre, ang agad nilang iisipin ay
mali-late sila sa kanilang trabaho, kaya, paano nila makakamit ang inaasam nilang Best in Attendance. Bukod pa
roon ay hindi nila nais magkaroon ng matinding deduction sa kanilang payslip
dahil sa kanilang tardiness. Kaya naman, para hindi sila ma-late sa trabaho,
lakad-takbo na ang kanilang ginagawa o kaya naman kung feel na feel na talaga
niyang mali-late siya, tumatakbo na siya na para bang isang napakagaling na
runner.
O, hindi ba kapag ganu’n ang ginagawa mo, parang bumibilis
ang pintig ng iyong puso. Siyempre, masyado kang hiningal kaya nakakagat mo rin
ang pang-ibabang labi mo. Kapag nakarating ka sa bundy clock on time hindi mo
maiwasan ang mapangiti dahil success ang ginawa mong pagtakbo ngunit kapag
nakita mo na na-late ka na, kahit isang minuto, pakiwari mo’y para kang
pinagsakluban ng langit at lupa. Iisipin mo agad na magkakaroon ka ng pangit na
record sa inyong kumpanya. Ang ending, mai-stress ka.
Ang pagka-stress mo sa traffic ay hindi pa magtatapos ng
araw na iyon. Siyempre, may buong araw ka pang bubunuin
Paano kung tambak na tambak ang iyong trabaho ng ikaw ay
dumating at sasabihin pa ng boss mo, 5pm
ang deadline. O, hindi ba mangangarag ka na? Hindi mo pa man nasisimulan ang
iyong trabaho ay iniisip mo na kung paano mo iyon matatapos sa takdang oras.
Kung hindi mo kasi matutupad ang ipinag-uutos sa’yo, siguradong mabubulyawan ka ng iyong bossing. Kapag
minalas-malas ka pa ay maririnig mo ang kanyang favorite line na, ‘Maluwag ang pinto, lumayas ka na. You are
fired!’
Augh, hindi lang kaunting
sakit ang mararamdaman mo nu’n kundi sobra-sobra. Biruin mo, natigbak ka sa
trabaho. Kaya, sobra mong iisipin kung paano ka ngayon. Paano mo mabubuhay ang
iyong pamilya?
Hay naku, bawat tao naman ay may kanya-kanyang problema.
Kung minsan nga, sapin-sapin ang mga pagsubok na dumarating sa kanilang buhay
kaya naman hindi nila maywasan ang masyadong ma-stress.
Ikaw, palagi ka bang nakakaramdam ng stress.
Kungganu’n, kailangan mong mag-relax. Kung hindi mo kasi
gagawin ito, siguradong magkakaroon ka ng malaking problema sa darating na
panahon. Ayon kasi sa pag-aaral, dahil
sa stress ay maaaring magka-cancer ang tao sapagkat parang ilaw na mabubuksan
ang ‘master switch’ gene na tinatawag na ATF3, kung saan maaaring lumabas ang
cancer cells. Kapag nangyari iyon ay kakalat ito sa katawan mo at maaaring
hindi mo na maagapan. Sa madaling salita, kamatayan na ang iyong kahahantungan.
Sabi pa, karaniwan sa mga nai-stress ay nagkakaroon ng
breast cancer at prostrate cancer. Maaaring kaya nagkakaroon ng breast cancer
ay dahil ang kamay ang laging nagtatrabaho. Dahil sa nagmamadali ang kanyang
kilos ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng stress. Bukod sa nangangawit ang
kamay mo ay namamanhid na rin ang hugpungan ng balikat at braso mo. Ito’s
manunulay pa sa’yong kili-kili patungo sa’yong suso. Ang prostrate cancer naman
maaaring makuha sa pagpipigil mo ng ihi at kapag kumakain ka ng maaalat.
Karaniwan dito ang mga sitsirya.
Aminin mo, kapag nagtatrabaho ka ay mas gusto mong sitsirya
ang kinakain mo at hindi healthy foods tulad ng fruits and sandwiches.
O, hindi ba, nais mong maiwasan ang magkasakit, partikular
na ang cancer? Kungganoon, hindi mo dapat pabayaan ng husto ang iyong sarili.
Huwag kang masyadong magpa-stress dahil baka hindi mo mamalayan na buhay mo na
ang magiging kapalit ng pagiging stress mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento