Miyerkules, Marso 9, 2016

MGA NASA GRAVEYARD SHIFT, NAGKAKAROON NG SAKIT SA PAG-IISIP



AYON sa pag-aaral, ang mga taong nasa graveyard shift ay maaaring magkaroon ng Alzheimer’s. 
 
Sabi ng mga malikhaing pag-iisip ng mga scientists, nagawa nilang patunayan na kapag binago mo ang nakaugalian ng iyong katawan, maaaring maging dahilan ito para maapektuhan ang iyong alaala at kalaunan ay maaaring maging dementia.
Sa eksperimento kasing isinagawa, napag-alaman na kapag gabi nagtatrabaho ang tao ay palagi silang inaantok at nakakaramdam sila ng panlalata o pakiramdam niya ay lagi siyang mayroong sakit.
Ang karaniwan naman kasi talagang pagtatrabaho ng tao ay sa umaga, 8 am to 5 pm. Sa pamamagitan nito, lahat ng energy na na-restore sa’yong katawan nu’ng matulog ka, ay magagamit mo. Kaya lang may mga taong hindi normal ang kanilang pasok. Sila ay iyong mga panggabi. Kung titingnan natin sila, ang agad na papasok sa isipan natin ay malakas sila dahil nagawa nilang sumabak sa puyatan. Kahit kasi gustuhin nilang makatulog, hindi nila magagawa lalo na’t kung nakabantay ang kanilang boss o may mga dapat silang bantayan.
Kaya kung may pagkakataon lang, mas piliin mong magtrabaho sa umaga dahil mas malaki ang benepisyo na makukuha mo rito. Siguro naman ay mapapansin mo na kapag ikaw ay sa umaga nagtatrabaho, maayos ang takbo ng utak mo. Pakiramdam mo ay fresh na fresh ang utak mo kaya nagagawa mong mag-isip ng tama at maayos. Kung ikaw naman ay panggabi, kahit pa sabihin mong nakatulog ka ng mahaba sa umaga, pagdating ng gabi, makakaramdam ka pa rin ng antok.
Sabi nga ng marami, iba raw kasi talaga kapag sa gabi ka natulog ng mahaba.
Ikaw, nasa graveyard shift ka ba?
Kung ‘oo’, alam mo bang bumababa ang level ng iyong key brain antioxidant na tinatawag na glutathione. Dahil dito, maaari kang magkaroon ng Alzheimer’s.
Sabi ng mga mananaliksik, kung kulang na kulang ang iyong tulog, maaari ka talagang dapuan ng sakit sa pag-iisip. Ito nga ay ang pagkakaroon ng dementia at Alzheimer’s.
Kung ikaw ay nagtatrabaho sa gabi, kailangan mong malaman na sa pamamagitan noon ay masisira ang iyong immune system, kaya malaki ang tendensiya na ikaw ay magkaroon ng Alzheimer’s.
Nanaisin mo bang mangyari iyon? Well, ayaw man kitang takutin pero ito ay ayon sa pag-aaral. Kung nagtatrabaho ka nga sa gabi siguro naman ay nararamdaman mong parang hindi gumagana ng mahusay ang iyong utak dahil tila inaantok ka. Kaya, kung pipilitin mong gumising, para mo na ring inaawat ang utak mo. Kaya sa halip na makaalala siya lagi, agad niya iyong nakakalimutan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...