Ipinapakita ang mga post na may etiketa na depresyon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na depresyon. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Marso 9, 2016

PAGKAIN NG ISDA, PARAAN PARA MAKAIWAS KA SA DEPRESYON




Ang pagkain nga ba  ng fish o isda ay makakatulong para hindi ka magkaroon ng depresyon? Ito ang tanong ng aking malikhaing pag-iisip
Hay, wala pang malinaw na kasagutan dito pero maaari raw talagang magagang kontrahin ang depression kapag kumain ka ng isda. Narito ang paliwanag.
Karaniwan sa tao na  nagkakaroon ng problema pero hindi lahat tayo ay naiisip ang katotohanang ito. May mga taong kapag dumating ang mabigat na problema na susubok sa kanilang katatagan ay pinipiling magpakamatay.
Aray ko!

Sure ako na ito ang nararamdaman ng mga taong may taning na ang buhay pero pinili pa ring lumaban. Kaya, napakasakit sa kanila iyon. Nakakahinayang naman kasing binabalewala mo lang ang buhay dahil sa problemang dumarating sa ‘yo. May mga tao kasing sadyang mahihina kaya hindi nila nagagawang paglabanan  ang paghihirap na kanilang nararamdaman.
Ikaw, ano ba ang mararamdaman mo kapag iniwan ka ng ‘yong maha? Kapag nawalan ka ng trabaho? Kung namatay ang mga magulang mo? Kung biglang naglaho ang mga bagay na nakasayanan mo na. Halimbawa na lang ikaw ay mayamang bigla na lamang naghirap. Siyempre dahil sa kahihiyan, hindi mo matatanggap ‘yon kaya papasok ang katagang depresyon.
Kung ang salitang 'depresyon’ ay tuluyan mong ipapasok sa’yong sistema, marami kang bagay na hindi agad makakaya. Kabilang na siyempre rito ‘yung mawawalan ka na ng ganang mabuhay.
O, ikaw, gaano mo kinakaya ang ‘yong problema?
Kailangan mo munang malaman na ang utak natin ay sinusuportahan ng ating brain membrane. Ang brain membrane natin ay may 3 layers na nakapaligid sa ating utak. Ang dura meter, arachnid at pia mater.
Nagkakaroon ng depresyon ang tao kapag sa tingin niya ay wala ng solusyon sa kanyang problema. Ano ang dahilan at hindi siya makapag-isip? Marahil dahil sa wala na siyang maisip na solusyon sa kanyang problema.
Imposible!
Hindi naman kasi maaaring mawala basta-basta ang ating talino. ‘Yun nga lang maaari itong sumablay kapag walang sustansiya na pumapasok dito. Para sa’yong kaalaman, ang pagkain ng isda ay nagbibigay ng sobrang protein, vitamins at minerals kaya sa pamamagitan nito ay magiging maayos ang takbo ng iyong utak.
Maiisip mo na hindi ka dapat magpaalipin na lamang sa problema. Kapag nagawa mo iyon, lahat ng negatibong emosyon ay magagawa mo ring paglabanan.
Sabi nga ni Prof. Zhang, ang pagkain ng isda ay makakatulong para maiwasan ang depresyon pero kailangan pang masuri kung  anu-ano pang klaseng isda ang dapat na kainin.
O,  ayaw mo bang magkaroon ng depresyon?
Try mong kumain  lagi ng isda, malay mo effective talaga, hindi ba?

Biyernes, Agosto 9, 2013

Lalaking Walang Anak, Nagkakaroon Ng Matinding Depresyon

BASE  sa pag-aaral, ang mga lalaking hindi magkaanak ay nagkakaroon ng depresyon.
Mahirap man ang maging magulang, napakasarap sa pakiramdam iyong makita mong mayroong silbi ang pagkatao mo dahil nagawa mo ring mabigyan ng buhay ang isang sanggol. Nakagagaan sa pakiramdam kapag pinagmamasdan mo silang ngumingiti, humahakbang at nagmamahal. Alam mo kasi na ang malaking bahagi ng pagkatao mo ay nasa kanila.
Nakalulungkot lamang isipin na hindi lahat ng nilalang ay hindi pinagkalooban ng pagkakataon na maging magulang. Mayroon diyan na kahit may asawa ay hindi biniyayaan ng anak. Kung masakit ito para sa isang babae, higit na masakit ito para sa lalaki, kaya sa pag-aaral ay napagtanto na mas malaki ang tsansa na magkaroon ng matinding depresyon ang isang lalaking hindi nagkaanak kaysa sa babaeng hindi nabuntis.
Walang silbi, iyon  ng pakiramdam ng lalaki kapag hindi niya nagawang magkaanak. Kaya naman hindi niya nagagawang pigilan ang kanyang emosyon dahil sa matinding depresyon.  Kung inyong susuriin ang lalaking hindi nagkaanak ay mas nagiging seloso at magagalitin. Sa pamamagitan kasi nito, pakiramdam nila ay mapagtatakpan ang kanilang mga kakulangan. Kaya kung inyong susuriin, maramdamin din ang mga lalaking hindi magkaanak.
Ang mga matatandang dalaga ay okay lang na hindi sila magkaanak dahil choice na nila iyon pero kung mayroon silang asawa, tiyak na makakaramdam sila ng guilt kapag hindi nila nabigyan ng anak ang kanilang mister. Ngunit, mas malaki pa rin ang epekto sa lalaki kapag hindi nila nabigyan ng anak ang kanilang misis o kaya ay hindi sila nakabuntis.
Kung tayo ay magiging mapagmasid at madalas na makinig sa balita, mapagtatanto natin na ang lalaking madalas na makagawa ng krimen ay iyong mga mister na walang anak o hindi nabigyan ng anak ang kanilang misis. Mas matindi pa nga ang kanilang pagiging seloso kapag ang kanilang misis o girlfriend ay nagkaanak na.
Sabi nga ng malikhaing pag-iisip ng 60 anyos na si George, kapag wala kang anak o apo, pakiramdam mo ay napakalaking bahagi ng buhay mo ang kulang. Para nga raw sa mga lalaki ay napakalaking kahihiyan iyong hindi ka nakabuo ng anak.







My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...