Ipinapakita ang mga post na may etiketa na abnormal brain connection. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na abnormal brain connection. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Agosto 10, 2014

ANTI-DEPRESSANT PILL, SANHI NG PAGKAKAROON NG DIABETES

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 

PAG-INOM ng anti-depressant pills ay nakatataba, ayon sa mga mananaliksik. Dahil sa pag-inom nito, malaki ang tsansa na magkakaroon ka ng Type 2 Diabetes.
Hindi natin maiwasan ang makaramdam ng sobr a-sobrang kalungkutan kapag tayo ay nabibigo. Pakiramdam nga natin ay pinagsasakluban tayo ng langit at lupa kapag nagkakadiprensiya ang ating pamilya, lovelife at career.
Napakasakit sa isang anak kapag nalaman niyang maghihiwalay na ang kanyang parents. Kung ang taong minahal mo ng sobra ay magsasabing tapusin na natin ang ating relasyon. O, kaya naman kapag nawalan ka ng trabaho.
Augh, hindi natin talaga maiwasan ang makaramdam ng sakit kapag isa sa mga ito ang nangyari sa atin. Kaya naman kung lahat ng ito ay mangyayari sa atin parang hindi natin makakayang lagpasan ang ating problema. Kung minsan nga ay parang  gusto na natin magpakamatay. Sabi nga, ang labis na kalungkutan daw ay nakamamatay. Kaya naman para matulungan ang mga taong nadi-depress ay ipinanganak ang tinatawag na happy pills o anti-depressant.
Umiinom ka ba nito?

Kung sobra-sobra ang kalungkutan na iyong nadarama, siguradong ang mga nagmamahal sa’yo ay labis na mag-aalala, kaya papayuhan ka nilang uminom ng anti-depressant. Ngunit, mas makabubuti kung ito ay irerekomenda ng espesyalista. Gayunman, kailangan mong malaman na ang pag-inom ng anti-depressant pills ay maaaring makapagbigay sa’yo ng diabetes.
Sa malikhaing pag-iisip na isinagawa ng mga mananaliksik sa Southampton University, napag-alaman na  sa pag-inom ng anti-depressant pill, ay maaari kang maging lumba-lumba. Mayroon kasi itong  sangkap na nakatataba kaya naman siguradong tatas ang iyong blood sugar kung panay ang inom mo ng anti-depressant. Kung lagi kang nadi-depress at naka-depende ka na sa anti-depressant pills asahan mo na maaaring magkaroon ka ng diabetes.
Kaya kung ayaw mong magkaroon ng ganitong karamdaman, huwag kang uminom ng anti-depressant pills. Magagawa mo naman iyon kung hindi ka susuko sa problema. Kung sakaling nabigo ka, makabubuting tanggapin mo ang  kabiguan na iyong natamo at gumawa ka ng para mawala ang iyong depresyon.

Kaya sa akin palagay, mamimili ka na lang kung lalabanan mo ang iyong depresyon o magkaka-diabetes ka. 

Miyerkules, Setyembre 4, 2013

KAYA HINDI MAAPRECIATE ANG GANDA O KAPOGIAN, DAHIL SA ABNORMAL BRAIN CONNECTION

ANG taong palaging naiirita sa kanyang hitsura ay may abnormal brain connection, ayon sa pagsasaliksik.
Higit kaninuman, walang ibang magmamahal sa’yo sarili kundi ikaw na rin mismo. O, hindi ba kahit na alam natin na hindi kagandahan o kapogian ang isang tao ay hindi niya magagawang aminin na ‘pangit’ siya. Wala naman talagang ipinanganak na pangit. Marahil, may mga taong higit lang ang katangian sa’yo.
Pero, nakapagtatakang hindi naman lahat ng tao ay masasabi natin na mahal na mahal ang kanyang sarili. Mayroon nga riyan na tila nakakaramdam ng pagkairita kapag siya ay humaharap sa salamin. Feeling niya kasi ay ang pangit pangit niya. Hindi siya nasisiyahan sa kanyang hitsura kahit marami ang nagsasabi na maganda o guwapo siya.
Bakit nga ba may mga ganitong klaseng tao? Ito agad ang itatanong natin sa ating sarili ngunit kahit aning klaseng pag-iisip ang gawin natin ay mahirap natin iyong maunawaan. Pero baka sa pagbasa mo ng artikulo na ito ay maaaring masagot ang iyong katanungan.
Ang mga scientist kasi sa University of California ay napag-alaman na ang mga taong hindi nasisiyahan sa kanyang hitsura ay may problema sa kanyang pag-iisip dahil nga sa hindi okay ang takbo ng kanyang utak.
Maluwag ang turnilyo niyan kaya ganyan, ito ang kalimitang sinasabi kapag ang isang tao ay may topak o toyo. Para kasing hindi niya magawang makapag-isip ng tama. At sa aking pagsasaliksik ay ganito ang dahilan kaya hindi magawa ng isang tao na purihin ang kanyang sarili o kung minsan pa nga ay pinipintasan pa niya.
Hay naku, talaga ngang mahirap intindihin ng mga taong tila sukang-suka kapag humaharap sa salamin. Sa paningin kasi niya ay siya na ang pinakapangit na nilalang sa buong mundo kaya kahit na mamahalin pa ang kanyang suot, hindi niya magawang i-appreciate ang kanyang kagandahan o kapogian.
Ang body dysmorphic disorder kasi ay isang anxiety disorder kaya naman kahit na malinaw na malinaw ang kanyang mata ay hindi niya makita ang kagandahan o kapogian na kanyang tinataglay. Madaling malaman kung ang isang tao ay mayroon nito kahit pilit nilang itago. Sila kasi ay ang mga nilalang na madaling ma-insecure.
Naniningkit ang kanilang mga mata kapag may lumalapit sa kanilang boyfriend o asawa, feeling kasi nila ay ginagawa nito iyon dahil ibig nitong mang-agaw. Kahit na mahal na mahal sila ng lalaki ay tila hindi nito nadarama iyon.
O, insecure ka ba?





My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...