Miyerkules, Setyembre 4, 2013

KAYA HINDI MAAPRECIATE ANG GANDA O KAPOGIAN, DAHIL SA ABNORMAL BRAIN CONNECTION

ANG taong palaging naiirita sa kanyang hitsura ay may abnormal brain connection, ayon sa pagsasaliksik.
Higit kaninuman, walang ibang magmamahal sa’yo sarili kundi ikaw na rin mismo. O, hindi ba kahit na alam natin na hindi kagandahan o kapogian ang isang tao ay hindi niya magagawang aminin na ‘pangit’ siya. Wala naman talagang ipinanganak na pangit. Marahil, may mga taong higit lang ang katangian sa’yo.
Pero, nakapagtatakang hindi naman lahat ng tao ay masasabi natin na mahal na mahal ang kanyang sarili. Mayroon nga riyan na tila nakakaramdam ng pagkairita kapag siya ay humaharap sa salamin. Feeling niya kasi ay ang pangit pangit niya. Hindi siya nasisiyahan sa kanyang hitsura kahit marami ang nagsasabi na maganda o guwapo siya.
Bakit nga ba may mga ganitong klaseng tao? Ito agad ang itatanong natin sa ating sarili ngunit kahit aning klaseng pag-iisip ang gawin natin ay mahirap natin iyong maunawaan. Pero baka sa pagbasa mo ng artikulo na ito ay maaaring masagot ang iyong katanungan.
Ang mga scientist kasi sa University of California ay napag-alaman na ang mga taong hindi nasisiyahan sa kanyang hitsura ay may problema sa kanyang pag-iisip dahil nga sa hindi okay ang takbo ng kanyang utak.
Maluwag ang turnilyo niyan kaya ganyan, ito ang kalimitang sinasabi kapag ang isang tao ay may topak o toyo. Para kasing hindi niya magawang makapag-isip ng tama. At sa aking pagsasaliksik ay ganito ang dahilan kaya hindi magawa ng isang tao na purihin ang kanyang sarili o kung minsan pa nga ay pinipintasan pa niya.
Hay naku, talaga ngang mahirap intindihin ng mga taong tila sukang-suka kapag humaharap sa salamin. Sa paningin kasi niya ay siya na ang pinakapangit na nilalang sa buong mundo kaya kahit na mamahalin pa ang kanyang suot, hindi niya magawang i-appreciate ang kanyang kagandahan o kapogian.
Ang body dysmorphic disorder kasi ay isang anxiety disorder kaya naman kahit na malinaw na malinaw ang kanyang mata ay hindi niya makita ang kagandahan o kapogian na kanyang tinataglay. Madaling malaman kung ang isang tao ay mayroon nito kahit pilit nilang itago. Sila kasi ay ang mga nilalang na madaling ma-insecure.
Naniningkit ang kanilang mga mata kapag may lumalapit sa kanilang boyfriend o asawa, feeling kasi nila ay ginagawa nito iyon dahil ibig nitong mang-agaw. Kahit na mahal na mahal sila ng lalaki ay tila hindi nito nadarama iyon.
O, insecure ka ba?





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...