Ipinapakita ang mga post na may etiketa na insomia. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na insomia. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Agosto 7, 2014

Insomia, nakakataba

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 

HEY, alam mo bang ang taong may insomia ay tumataba?

Haha. Alam  kong kung mayroon kang insomia ay matigas na pag-iling ang gagawin mo. Sigurado kasi ako na ang katagang ‘pagtaba’ ay hate na hate ng mga dalaga at mga binata. Kung tataba nga naman sila ay siguradong hindi na sila mapapansin ni crush dahil nakaka-turn off ang pagiging mataba.
O, ayaw mo bang maging mataba?
Kung ayaw maging mataba na parang balyena, huwag kang magpupuyat. Sa akin ngang pagsasaliksik ay napag-alaman ko na ang pagpupuyat ay nakakataba. Tsk, malas na lang ng mga taong mayroong insomia dahil sila ang higit na maaapektuhan.
Sa pag-aaral kasi ay isinaad na kapag hindi ka dinadalaw ng antok ay may tendensiya na maghanap ka ng pagkain. Aminin mo, hindi ba kapag hindi ka makapagtulog sa gabi ay babangon ka at dideretso sa harap ng inyong ref. Pagkaraan ay bubuksan mo iyon at maghahagilap ka ng pagkain. Kung sakaling walang laman ang inyong ref ay pupunta ka sa telepono at magpapa-deliver ng pizza o hamburger.
Susme, kung ang isang box na pizza ay buy one take one pa at ikaw lang  mag-isa ang kakain, siguradong mapaparami ka pa ng kain. Ang ending ay mararamdaman mo na lang na sumisikip ang iyong pantalon.
Sa pag-aaral ng University of California, Berkeley ay napag-alaman  kapag may gusto kang kainin ay hindi mo iyon mababali dahil nanatili iyong nakatatak sa’yong isipan.
O, hindi ba kalimitan ay nakakaramdam tayo ng pangangasim at hindi natin magawang tumigil hanggang hindi natin iyon nakakain. Iyon ay dahil sa sinasabi ng utak natin na kailangan natin iyong kainin.
Ngunit, ang kalimitan naman nating gustong kainin  sa madaling araw ay iyong mga nakapagpapataba sa atin tulad nga ng doughnut, pizza at mga sitsirya. Kung minsan ay hindi pa tayo nakukontento sa tubig, ibig pa nating uminom ng juice o softdrinks. At dahil nga santambak ang sugar nu’n sure na lalaki tayo nang lalaki.
O, may insomia ka ba?


Sabado, Agosto 2, 2014

PAGTULOG SA TENT, GAMOT SA INSOMIA

MAHIRAP makatulog! Ito ang kalimitang sigaw ng mga taong mayroong insomia. Kahit kasi ano ang kanyang gawin ay hindi niya makuhang makatulog. Kahit pa nagawa na ng mga taong may insomia na magbilang ng 100 baka sa kanilang isipan, hindi pa rin nila magawang  makatulog.

Ikaw, may insomia ka ba?
Sure ako na nahihirapan ka rin kung mayroon kang insomia. Biro mo nga naman, ibig  mo na matulog pero hindi ka pa makatulog. Hay, pahirap talaga. Tiyak kasi na nakatulog ka ay hindi ka magigising ng maaga. Ang resulta, mali-late ka palagi sa’yong eskuwela o trabaho.
O, nais mo bang maresolba ang iyong problema sa’yong insomia?
Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na ang pagtulog pala sa tent ay makatutulong para magamot ang iyong insomia. Ang exposure kasi sa bukang-liwayway at sa dapit-hapon  ay makatutulong para mabago ang iyong body clock..
O, hindi ba kapag ang isang bagay ay nagagawa na nating makasanayan ay magiging sunud-sunod na iyon. Kaya naman kung makakasanayan mo na matulog, nang maaga, magtutuloy-tuloy na ito.
Sabi ng mga scientist, kapag nasanay na ang iyong mga mata sa liwanag na nagmumula sa bukang-liwayway at takip-silim, sure na magiging madali na sa kanya na matulog sa tamang oras. Ang kailangan lang gawin ay matulog ka sa tent ng isang linggo.
Kaya naman kung ikaw ay hindi makatulog, gawin mo ito. Para maging happy ang iyong family at magkaroon kayo ng family bonding ay yayain mo silang matulog sa tent.



My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...