Ipinapakita ang mga post na may etiketa na stress. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na stress. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Agosto 8, 2014

STRESS, DAHILAN KAYA LAGANAP ANG CANCER

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.


AYON sa mga eksperto, ang stress ay sanhi ng pagkakaroon ng cancer.
Naku po!

Abot-abot ang hingal na ginagawa ng ating mga kababayan (kabilang na ako ru’n) kapag traffic. Siyempre, ang agad nilang iisipin ay mali-late sila sa kanilang trabaho, kaya, paano nila makakamit ang  inaasam nilang Best in Attendance. Bukod pa roon ay hindi nila nais magkaroon ng matinding deduction sa kanilang payslip dahil sa kanilang tardiness. Kaya naman, para hindi sila ma-late sa trabaho, lakad-takbo na ang kanilang ginagawa o kaya naman kung feel na feel na talaga niyang mali-late siya, tumatakbo na siya na para bang isang napakagaling na runner.
O, hindi ba kapag ganu’n ang ginagawa mo, parang bumibilis ang pintig ng iyong puso. Siyempre, masyado kang hiningal kaya nakakagat mo rin ang pang-ibabang labi mo. Kapag nakarating ka sa bundy clock on time hindi mo maiwasan ang mapangiti dahil success ang ginawa mong pagtakbo ngunit kapag nakita mo na na-late ka na, kahit isang minuto, pakiwari mo’y para kang pinagsakluban ng langit at lupa. Iisipin mo agad na magkakaroon ka ng pangit na record sa inyong kumpanya. Ang ending, mai-stress ka.
Ang pagka-stress mo sa traffic ay hindi pa magtatapos ng araw na iyon. Siyempre, may buong araw ka pang bubunuin
Paano kung tambak na tambak ang iyong trabaho ng ikaw ay dumating  at sasabihin pa ng boss mo, 5pm ang deadline. O, hindi ba mangangarag ka na? Hindi mo pa man nasisimulan ang iyong trabaho ay iniisip mo na kung paano mo iyon matatapos sa takdang oras. Kung hindi mo kasi matutupad ang ipinag-uutos sa’yo, siguradong  mabubulyawan ka ng iyong bossing. Kapag minalas-malas ka pa ay maririnig mo ang kanyang favorite line na, ‘Maluwag ang pinto, lumayas ka na. You are fired!’
Augh, hindi lang kaunting sakit ang mararamdaman mo nu’n kundi sobra-sobra. Biruin mo, natigbak ka sa trabaho. Kaya, sobra mong iisipin kung paano ka ngayon. Paano mo mabubuhay ang iyong pamilya?
Hay naku, bawat tao naman ay may kanya-kanyang problema. Kung minsan nga, sapin-sapin ang mga pagsubok na dumarating sa kanilang buhay kaya naman hindi nila maywasan ang masyadong ma-stress.
Ikaw, palagi ka bang nakakaramdam ng stress.
Kungganu’n, kailangan mong mag-relax. Kung hindi mo kasi gagawin ito, siguradong magkakaroon ka ng malaking problema sa darating na panahon. Ayon kasi sa pag-aaral,  dahil sa stress ay maaaring magka-cancer ang tao sapagkat parang ilaw na mabubuksan ang ‘master switch’ gene na tinatawag na ATF3, kung saan maaaring lumabas ang cancer cells. Kapag nangyari iyon ay kakalat ito sa katawan mo at maaaring hindi mo na maagapan. Sa madaling salita, kamatayan na ang iyong kahahantungan.
Sabi pa, karaniwan sa mga nai-stress ay nagkakaroon ng breast cancer at prostrate cancer. Maaaring kaya nagkakaroon ng breast cancer ay dahil ang kamay ang laging nagtatrabaho. Dahil sa nagmamadali ang kanyang kilos ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng stress. Bukod sa nangangawit ang kamay mo ay namamanhid na rin ang hugpungan ng balikat at braso mo. Ito’s manunulay pa sa’yong kili-kili patungo sa’yong suso. Ang prostrate cancer naman maaaring makuha sa pagpipigil mo ng ihi at kapag kumakain ka ng maaalat. Karaniwan dito ang mga sitsirya.
Aminin mo, kapag nagtatrabaho ka ay mas gusto mong sitsirya ang kinakain mo at hindi healthy foods tulad ng fruits and sandwiches.
O, hindi ba, nais mong maiwasan ang magkasakit, partikular na ang cancer? Kungganoon, hindi mo dapat pabayaan ng husto ang iyong sarili. Huwag kang masyadong magpa-stress dahil baka hindi mo mamalayan na buhay mo na ang magiging kapalit ng pagiging stress mo.


Huwebes, Agosto 7, 2014

TAONG MAY MAIKLING ORAS MAGTRABAHO, MAS STRESS

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 

SLOWLY but surely, ito ang motto ng ilang kababayan natin. Hindi ko masasabi na ganito ako dahil sanay akong minamadali ang lahat ng bagay. Pakiramdam ko nga ay nagiging mas maayos ang aking ginagawa kapag malapit na ang deadline. Sa palagay ko ay mas nagiging maayos ang aking ginagawa kapag ginagawa ko ito in last minute.

Ngunit, pagkatapos ko naman magawa iyon, parang pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa maghapon kundi ang magtipa sa aking computer. Kaya naman pagkatapos kong magtrabaho ay gusto ko ng umuwi at matulog. Samantalang ang mga kaopisina ko, kahit maghapon na sila halos nagtatrabaho ay parang may enerhiya pa sila para maka-gimik. Ang iba nga sa kanila ay inaabot pa ng madaling araw sa kalye.
Wala ba silang kapaguran? Ito ang tanong ko sa aking sarili at sure ako na marami rin ang nagtatanong kung bakit may ilang tao na kahit maghapong nagtatrabaho ay parang hindi pa rin napapagod.
Ayon daw kasi sa pag-aaral, kapag maikli lang ang oras mo sa pagtatrabaho ay mas nai-stress ka. Dahil alam mo na mayroon kang deadline na kailangang habulin ay mas nakararamdaman ka ng nerbiyos. At kung maaari nga lamang ay ibig mo ng pigain ang iyong utak para makasiguro ka na magandang-maganda ang iyong trabaho. Siyempre, kung gagawin mo iyon ay talaga ngang makakaramdam ka ng matinding pagod pagkaraan. Ibig sabihin nito, mas okay pa kung ang empleyado ay nag-oovertime kaysa nag-a-undertime.
Kaya, kung ibig mo na magkaroon ng magandang-magandang trabaho, kailangan ay pag-isipan mo itong mabuti. Huwag kang maglaan ng kaunting oras para rito. Ang dapat, pag-isipan ng malikhaing pag-iisip mo ang iyong ginagawa. Kung maaari ay tapusin mo  bago sumapit ang deadline at pagkaraan ay maglaan ka rin ng oras para ito ay mapaganda mo pa.
Ang mga nagtatrabaho ng 8 hours a day o lagpas pa ay siguradong nagkakaroon ng maayos na trabaho dahil nagagawa nila itong balikbalikan kung kinakailangan. Dahil doon ay nagagawa nilang mabago pa ang mga mali. Kaya naman kapag nai-submit nila ito sa kanilang bossing, sure sila na maganda na ang kanilang trabaho.
Kaya kung iisipin mo pa na matagal pa naman ang deadline, may time ka pa para gawin iyon, mag-isip-isip ka na. Kahit kasi sigurado ka na matatapos mo ang trabaho on time, sure ako na pagkaraan ay sobra kang stress. Maaaring isipin mo na para ka ng lantang gulay.
Isipin mo na lang sana na pagkatapos mong gawin ng maayos ang iyong trabaho, mayroon ka pang oras na magsaya.


My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...