Narito po ang mga kakaibang artikulo na
aking nakalap. Sana
po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.
SLOWLY but surely, ito ang motto ng ilang kababayan natin. Hindi ko masasabi na ganito ako dahil sanay akong minamadali ang lahat ng bagay. Pakiramdam ko nga ay nagiging mas maayos ang aking ginagawa kapag malapit na ang deadline. Sa palagay ko ay mas nagiging maayos ang aking ginagawa kapag ginagawa ko ito in last minute.
Ngunit, pagkatapos ko naman magawa iyon, parang pagod na
pagod ako kahit wala naman akong ginawa maghapon kundi ang magtipa sa aking
computer. Kaya naman pagkatapos kong magtrabaho ay gusto ko ng umuwi at
matulog. Samantalang ang mga kaopisina ko, kahit maghapon na sila halos
nagtatrabaho ay parang may enerhiya pa sila para maka-gimik. Ang iba nga sa
kanila ay inaabot pa ng madaling araw sa kalye.
Wala ba silang kapaguran? Ito ang tanong ko sa aking sarili
at sure ako na marami rin ang nagtatanong kung bakit may ilang tao na kahit
maghapong nagtatrabaho ay parang hindi pa rin napapagod.
Ayon daw kasi sa pag-aaral, kapag maikli lang ang oras mo sa
pagtatrabaho ay mas nai-stress ka. Dahil alam mo na mayroon kang deadline na
kailangang habulin ay mas nakararamdaman ka ng nerbiyos. At kung maaari nga
lamang ay ibig mo ng pigain ang iyong utak para makasiguro ka na
magandang-maganda ang iyong trabaho. Siyempre, kung gagawin mo iyon ay talaga
ngang makakaramdam ka ng matinding pagod pagkaraan. Ibig sabihin nito, mas okay
pa kung ang empleyado ay nag-oovertime kaysa nag-a-undertime.
Kaya, kung ibig mo na magkaroon ng magandang-magandang
trabaho, kailangan ay pag-isipan mo itong mabuti. Huwag kang maglaan ng
kaunting oras para rito. Ang dapat, pag-isipan ng malikhaing pag-iisip mo ang iyong ginagawa.
Kung maaari ay tapusin mo bago sumapit
ang deadline at pagkaraan ay maglaan ka rin ng oras para ito ay mapaganda mo
pa.
Ang mga nagtatrabaho ng 8 hours a day o lagpas pa ay
siguradong nagkakaroon ng maayos na trabaho dahil nagagawa nila itong
balikbalikan kung kinakailangan. Dahil doon ay nagagawa nilang mabago pa ang
mga mali .
Kaya naman kapag nai-submit nila ito sa kanilang bossing, sure sila na maganda
na ang kanilang trabaho.
Kaya kung iisipin mo pa na matagal pa naman ang deadline,
may time ka pa para gawin iyon, mag-isip-isip ka na. Kahit kasi sigurado ka na
matatapos mo ang trabaho on time, sure ako na pagkaraan ay sobra kang stress.
Maaaring isipin mo na para ka ng lantang gulay.
Isipin mo na lang sana
na pagkatapos mong gawin ng maayos ang iyong trabaho, mayroon ka pang oras na
magsaya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento