AYON sa pag-aaral,
ang mga bata na pinipilit ng kanilang mga magulang na ubusin ang kanilang
pagkain na nasa kanilang pinggan ay ang mga batang may tendensiya na maging
lumba-lumba sa kanilang paglaki.
Marami ang nagugutom kaya hindi dapat mag-aksaya ng pagkain,
ito ang laging paalala sa atin ng ating mga magulang. Palagi rin nilang
sinasabi na masusuwerte kayo dahil marami riyang hindi makayang pakainin ng mga
magulang.
O, hindi nga ba, kapag nakikita natin na ang isang musmos ay
namamalimos para lang may makain, parang nilalamutak ang ating puso. Iniisip
natin na napakapalad natin at hindi tayo natulad sa kanila. Kaya naman bilang
pakikisimpatya sa kanila, ang tangi na lang nating magagawa ay huwag mag-aksaya
ng pagkain. Maliban siyempre sa bibigyan natin pagkain ang mga batang
nagugutom.
Ikaw, nagagawa mo bang mag-aksaya ng pagkain?
Kung ikaw ang tipo ng tao na walang pakialam sa iba, tiyak
ko na hindi mo nga pahahalagahan ang bawat butyl na iyong kinakain. Baka nga
sabihin mo pa ngang, ‘pasensiya kayo, ako
ang pinalad na makakain ng masasarap, eh.’ Ngunit, kung puso ka para sa
mahihirap o kaya naman ay pinakikinggan mo ang bawat sinasabi ng iyong mga
magulang, sigurado na hindi mo nanaisin na magtira ng pagkain sa’yong plato.
Ang agad mo kasing maiisip ay marami ang nagugutom kaya hindi ka dapat
mag-aksaya ng pagkain.
Pero, alam mo ba na may masama rin palang dulot kapag lagi
mong inuubos ang pagkain na nasa iyong harapan?
Sa aking pagsasaliksik kasi ay napagtanto ko na maaaring ito
pala ang maging dahilan para ikaw ay maging matabang-mataba o obese.
Kung parati mo kasing paiiralin ang guilt na iyong
nararamdaman, maaaring kahit busog ka na ay pipilitin mo pa ring maubos ang
pagkain na nasa iyong plato. Paano kapag naparami ka ng lagay? O kaya naman ay
nabigyan ka ng sobra sa karaniwan mong kinakain?
Ah, tiyak na mapipilitan kang ubusin ito. Kahit feeling mo
ay masuka-suka ka na ay sasabihin pa rin ng isipan mo na kailangan mo itong
ubusin, magagalit sina mommy at daddy. Pagkatapos ay magpa-flash sa isipan mo
ang mga batang walang makain.
Sa pagsasaliksik nga na isinagawa ni Katie LOth, dietician
sa University of Minnesota na matatagpuan sa Minneapolis,
U.S., kaya maraming teenager na matataba ay dahil sa kapipilit ng mga magulang
na ubusin parati ang pagkain na nasa kanilang plato. Gaano man ito karami,
kailangan nila iyong sinutin. Sa kanya ring pag-aaral ay kanyang napagtanto na
kaya mas maraming lalaki ang matataba ay dahil karaniwang ang ama nila ang
pumipilit sa kanila na ubusin ang kanilang pagkain.
Hindi naman siguro kaila sa’yo na
stretchable ang ating bituka kaya kapag kumain tayo nang kumain kahit busog na
tayo ay lalaki iyon at mas magkakaroon ng malaking espasyo para sa susunod
nating pagkain.
Kung ang karaniwan nating kinukuha
ay hindi na tayo nakararamdama ng kabusugan, maaaring kumuha pa tayo ng
pagkain. Kung masosobrahan an gating pagkuha, kailangan natin iyong ubusin.
Kapag nangyari iyon ay lalaki na naman an gating bituka at hindi na tayo
makokontento sa ating kinakain sa susunod.
Kailan ba tayo hihinto sa pagkain? Ito ang karaniwang tanong na tila
napakahirap sagutin kung nagugutom pa tayo o may tira pang pagkain sa ating
plato.
Ikaw, pinipilit mo ba ang anak mo
na ubusin lagi ang kanyang pagkain?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento