Linggo, Agosto 11, 2013

Dahil sa mga diktador na magulang… MGA ANAK NADI-DEPRESS KAPAG NABIBIGO

PARATING nag-aalala ang batang dinidiktahan ng kanyang mga magulang at sila rin  ay madalas na ma-depress kapag sila ay nabibigo, ayon sa pagsasaliksik.
Mother’s knows best, ito ang madalas sabihin ng mga ina kapag sinasabihan nila ang kanilang mga anak kung ano ang dapat nilang gawin.  Dahil sa rami ng kanilang karanasan, alam na nila kung ano ang dapat gawin ng kanilang anak para hindi na maulit pa ang kanilang pagkakamali.
Ang mababait na anak ay karaniwang sumusunod sa bawat sabihin ng kanyang mga magulang. Ang mga magulang naman ay tuwang-tuwa kapag ang tanging sinasabi ng kanilang anak ay ‘yes, mommy’ at ‘yes,daddy’.
Ikaw, ganoon ka ba sa’yong anak?
Nakatutuwa talaga na sinusunod ng iyong anak ang bawat sabihin mo ngunit hindi ibig sabihin noon ay makabubuti sa kanya. May masamang epekto kasi sa bata kapag ang magulang ay nagiging diktador.
Kapag daw kasi ang bata ay masyadong nadiktahan ng kanilang mga magulang ay nawawalan na sila ng tiwala sa kanilang sarili. Iniisip kasi nila na hindi nila makakayang solusyunan ang problema kapag wala ang kanilang mga magulang. Kung sakaling nagdesisyon sila sa kanilang sarili na hindi kumokunsulta sa kanyang mga magulang at nabigo siya, siguradong daramdamin niya iyon. Ang agad kasi niyang isiisipin ay wala siyang kuwenta.
Kaya naman, makabubuting huwag nating diktahan ang ating mga anak. Hayaan natin sila na magdesisyon para sa kanilang sarili. Makabubuting magbigay ka na lang ng opinion kung ano ang maaaring mangyari kapag ganoon ang kanyang ginawa.
Kaya naman nang magsaliksik ang mga mananaliksik sa University of Mary Washington  sa US ay kumuha sila ng 297 na estudyante na nasa pagtan ng  18 hanggang 23. Doon ay mapagtatanto  kung sino nga ba ang mga kabataan na kinukontrol ng magulang at iyong hinahayaan nilang magdesisyon para sa kanilang sarili.
At sa pagsasaliksik na iyon ay napagtanto na ang mga estudyanteng kinokontrol ng kanilang mga magulang ay iyong mga  laging nag-aalala kapag may kailangan nilang magdesisyon on the spot at iyong labis na nagdaramdam kapag sila ay nabibigo.
O, ibig mo bang magkaroon ng magandang buhay ang iyong anak?
Kung nais mo, kailangan ay hayaan mo siyang magdesisyon para sa kanyang sarili.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...