SA kagustuhan ng mga
babae na maging magandang-maganda sila, kung anu-anong mga produkto ang
kanilang sinusubukan para naman kuminis ang kanilang kutis, tumangos ang
kanilang ilong, gumanda ang hubog ng kanilang katawan at kung anu-ano pa.
Kung magaling ang produktong mapapasakamay nila, siguradong
makaka-jackpot sila, maaari makamtan nila ang kagandahan na kanilang inaasam.
O, nais mo bang maging maganda?
Lahat naman ng babae ay sasabihing ibig niyang maging maganda.
Karamihan kasi sa kanila ay naniniwalang matatagpuan nila ang kanilang prince
charming kung magiging mala-Miss Universe ang kanilang ganda. Kaya naman lahat
ng paraan ay kanilang ginagawa para sila ay maging kaaya-aya. Pero, paano naman
kung magaya ka sa tauhan sa artikulo natin ngayon?
Ang 42 taong gulang na si Jane Rolfe ay nagkaroon ng
allergic reaction mula ng mag-apply siya ng eyelash extension. Dahil sa glue na
ginamit sa kanya upang maikabit ang eyelash extension na iyon ay biglang
nagbago ang kanyang buhay. Ang kagandahan kasing inaasam niya ay saglit lamang
niyang nakamtan. Pagkaraan kasi noon ay nagkaroon na siya ng miserableng buhay.
Tuluyang naglaho ang kanyang kagandahan.
Nang magising siya isang umaga ay nangangati, nananakit at
may namumuong dugo ang kanyang mga mata. Nang bumalik siya sa salon ay sinabi
nitong normal lamang ang kanyang nararamdaman. Ngunit, habang tumatagal ay
napagtatanto niyang lumalala lang ang kanyang karamdaman. Kaya naman dumiretso
na siya sa manggagamot para suriin ang kanyang kalagayan. At doon nga ay
napagtanto na nagkaroon siya ng matinding allergy.
Dahil nga hindi siya nabigyan ng patch test para suriin kung
magkakaroon siya ng allergy sa ginamit glue.
O, ikaw, magpapa-eyelash extension ka pa ba?
Okay lang naman na magpaganda ka ngunit kailangan mo rin
namang siguraduhin kung wala itong magiging masamang epekto sa’yo. Sa ngayon
kasi ay wala na ang kinis ng mukha n gating bida. Namumula na ang kanyang
mukha, maraming rashes at namamaga ang kanyang mata.
Gusto mo bang mangyari ito sa’yo?
Kung sasabihin mong ‘hindi’ kailangan mong mag-ingat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento