SABI sa pag-aaral, ang mga panganay ang madalas na
magkaroon ng diabetes.
Kapag ikaw ay panganay, buhos na buhos sa’yo ang atensyon at
pagmamahal ng iyong mga magulang. Ikaw kasi ang unang bunga ng kanilang
pagmamahalan. Kaya, lahat ng kailangan mo at luho ay kanilang naibibigay gaya ng pagkakaroon ng
magagandang damit, laruan at kung anu-ano pa. Samantalang ang mga sumunod sa’yo
ay magiging tagapagmana na lamang ng mga bagay na pinaglumaan ng unang anak.
Ngunit, kung may advantage ang pagiging panganay, mayroon
din itong disadvantages gaya
na lamang na sa balikat ng panganay nakaatang ang responsibilidad ng kanyang
mga sumunod na kapatid. Siya ang dapat na gumabay sa mga ito. Bukod doon,
maaaring ang panganay ay magkaroon ng problema sa kanilang kalusugan.
Sa pag-aaral nga ng University of Auckland ,
napagtanto na ang panganay ang mga kalimitang nagkakaroon ng diabetes at
alta-presyon. Ang dahilan, ito kasi ang unang pagkakataon na nakakaranas ng
pagbabago ang uterus ng isang babae.
Panganay ka ba?
Kung sasabihin mong, oo, natitiyak kong masasagot mo kung
may katotohanan nga ba ang sinasabing ang pangay ay maaaring magka diabetes at
alta-presyon. Iyon nga lang, hindi mo ito agad masasagot habang bata ka pa
dahil ang sakit na ito naman ay lumilitaw lang kapag ikaw ay nagkakaedad ka na.
Kaya, kung bata ka pa, mas maiging mag-ingat sa pagkain ng
matatamis at maku-cholesterol. Ang sabi nga kasi, ang mga panganay daw ang
malimit na magkaroon ng ganitong sakit kaya kailangan mong mag-ingat. Huwag mo
na sanang hintayin pa na mangyari ito sa’yo.
Ikaw din kasi ang magiging kawawa sa huli.
Sabi nga sa aking pagsasaliksik, kahit naman mukhang
maraming sakit ang mga panganay ay siya naman ang pinakapayat at pinakamatangkad
sa magkakapatid. Hay, kahit naman anong
bagay ay may advantage at disadvantages.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento