MAS babagal ang iyong
pagpayat kung late kang kumakain ng lunch, ayon sa mga mananaliksik.
Dahil sa kagustuhan ng mga kababaihan na magkaroon ng
kaakit-akit na pangangatawan, lahat ay kanilang gagawin pumayat kabilang na nga
rito ang pag-eehersisyo at hindi halos pagkain. Naniniwala kasi sila na kapag
binawasan nila ng husto ang kanilang pagkain, mabilis silang papayat. Sang-ayon
ka ba rito?
Tiyak na mabilis tayong sasagot ng ‘oo’. Paano ka nga naman
kasi tataba kung walang laman ang iyong tiyan? Pero, talaga nga bang hindi ka
kumakain? O, baka dini-delay mo lang ang iyong pagkain?
Kung ikaw ang tipo na nagli-late lunch, kailangan mong
basahin ang artikulo na ito. Sa pamamagitan nito ay malalaman mong hindi pala
nakakatulong sa’yong pagda-diet ang pagkain mo ng late lunch. Kung naparami ang
pagkain mo ng breakfast o morning snack, makakaramdam ka pa ng kabusugan
pagsapit ng tanghalian. Kaya naman magdedesisyon kang kumain na lamang ng
alas-tres. Maaari rin naman na sa kagustuhan mong pumayat ng husto ay hindi ka
na rin mag-aalmusal. Kaya mo nanaising kumain ng alas tres ng hapon ay
pinaplano mo na ring huwag kumain ng hapunan.
Gayunman, hindi pa rin dahilan ito para ikaw ay pumayat ng
husto. Sabi nga sa International Journal of Obesity, mas magiging dahilan pa
nga ito para bumagal ang iyong pagpapayat.
Alam mo ba ang dahilan?
Kung ikaw kasi ay hindi kumain ng breakfast o nag-snack man
lamang, siguradong gutom na gutom ka na kapag sumapit ang alas-tres. At dahil
nga plano mo na
ring hindi kumain sa gabi, dadamihan mo na ng husto ang iyong pagkain.
Kung abala ka na sa iyong pagtatrabaho ng ganoong oras,
sigurado rin na hindi ka na magkakapanahon pang mag-ehersisyon. Kaya ang
resulta, mabagal din ang iyong pagpapayat.
Kaya naman kung nais mo talagang magpapayat, mas maigi kung
kumain ka ng mas maaga o tama lamang sa oras. Nang sa ganoon ay mas madaling
matunaw ang iyong kinain.
O, ano, nanaisin mo bang pumayat aga?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento