AYON sa pag-aaral,
kapag daw ang bata ay mayroong gay parents, sila’y mas malusog at mabait.
Problema! Ito agad ang sasabihin natin kapag ang isang bata
ay mayroong gay parents. Kung ang mga magulang niya kasi ay parehong lalaki o
babae, agad siyang magtatanong. Paano siya nabuo? Dahil sa maraming tsismosa’t
intregero sa paligid, ang agad papasok sa kanyang utak ay isa siyang ampon o ‘di kaya’y anak siya sa
pagkadalaga o pagkabinata ng isa sa kanyang magulang.
Iniisip mo ba na kapag mayroon siyang gay parents ay
magkakaroon na siya ng miserableng buhay?
Sa pag-aaral na isinagawa pa sa Australia , mas malulusog ang mga
bata na mayroong gay parents kaysa sa mga heterosexual parents. Sabi nga ni Dr.
Simon Crouch, lead researcher, ang mga gay parents ay mas nakikipagkomunikasyon
sa kanilang anak. Dahil doon ay natatalakasi nila kung mayroon bang nambu-bully
sa kanilang anak o may nang-aasar dito. Dahil doon ay nagagawang payuhan ng gay
parents ang kanilang anak kung ano nga ba ang dapat nilang gawin.
Kung inyong mapagmamasdan, kapag ang mag-asawang lalaki at
babae ay nag-away ay tila wala na silang
pakialam sa kanilang paligid. Kaya naman kahit kaharap nila ang kanilang anak
ay hindi nila inaalintana. Sabi nga, kapag nakikita ng anak na nag-aaway ang
kanilang magulang ay nagiging malulungkutin sila. Para
rin pagtakpan ang sakit na kanilang pinagdadaanan ay nagiging salbahe sila.
Kung minsan kasi, ito lang ang alam nilang paraan para malimutan ang kanilang
problema. O, hindi ba ang kadalasang pinag-aawayan ng mag-asawa ay ang third
party?
Samantalang ang gay
parents ay tunay na nagmamahalan, kaya naman hindi sila gaanong nag-aaway. Kung
nag-aaway man, siguradong mahinahon palagi ang kanilang pag-uusap.
Napaka-supportive pa nila sa kanilang ‘anak’. Dahil sa malawak na atensyon na
ipinapakita ay nagiging mabait ang kanilang anak. Dahil din sa mga payo na
madalas nilang ibigay sa mga ito ay hindi nagiging palasagot ang bata. Sa
pamamagitan nu’n ay nagiging malusog ang bata, hindi lang sa pisika pati na rin
sa emosyonal at ispiritual.
Kaya, kahanga-hanga ang mga gay parents.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento