AYON sa pag-aaral,
ang depresyon ay nakahahawa.
‘Tell me who your friends are and I will tell you who you
are.’ Ito ang kalimitang naririnig natin. Hindi naman daw kasi
magkakasundu-sundo ang isang grupo kung iba ang paniniwala at hilig ng bawat
isa. Nakararamdam tayo ng tuwa kapag nakita nating nagsasama-sama ang isang
grupo na nagpapakita ng kanilang talento at kakayahan, hindi naman natin
maiwasan ang kabahan kapag nakasasalubong tayo ng isang grupo na tila walang
direksyon ang buhay. Sila iyong tipong madilim ang tingin sa paligid kaya
walang ginawa kundi manigarilyo, uminom ng alak at magdroga.
Ikaw, sino ang kaibigan mo?
Kung minsan, kahit hindi mo naman talaga matatawag na
kaibigan ang isang tao, parang nakukuha mo pa rin ang kanilang gawi, naiisip o
nararamdaman basta mabigyan kayo ng pagkakataon na magsama sa isang lugar.
Halimbawa, kapag nagkaroon ka ng roommate na madaling ma-depress, may
tendensiya na mahawa ka rin sa kanyang pagiging negatibo.
Sa pagsasaliksik ay napagtanto na kapag ang tao ay negatibo
agad ang tingin sa taong mayroong depresyon, nahahawa rin siya sa nakalipas na anim na buwan. Ito
ay base sa pag-aaral, ha. Hindi porke punung-puno ng sama ng loob ang isang tao
ay makikiiyak ka na lang sa kanya. Mas maigi siyempre kapag pinayuhan mo siya.
Sabihin mo sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin. Kung hindi kasi ganito ang
iyong gagawin, kawawa ka, siguradong ikaw ang labis na maaapektuhan.
Kapag ang isang tao kasi ay mayroong ‘cognitive
vulnerability’ ay tiyak madaling maengganyo ang isang tao sa damdamin ng isang
taong depress. Kahit wala siyang problema, siguradong makararamdam pa rin siya
ng sakit. At sa paglipas ng ilang buwan ay tiyak na makakaramdam na rin siya ng
depresyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento