Biyernes, Agosto 9, 2013

Pagsakay Sa LRT At MRT, May Masamang Dulot Sa Kalusugan

HALA, ang pagsakay daw sa LRT at MRT ay makasasama sa’yong kalusugan, ayon sa pagsasaliksik.
Para mapabilis ang ating pagbibiyahe ay kailangan nating sumakay sa MRT at LRT. Kung pipiliin kasi nating sumakay sa taxi, bus o tricycle, hindi natin maiiwasan ang makaramdam ng pagkainip dahil sa traffic. Hindi naman kaila sa’yo na maraming kalye ang parating sinisira at ginagawa, maraming aksidente sa kalsada at kung anu-anong pang dahilan na maaaring makahadlang para makarating ka agad sa’yong destinasyon. Samantalang kung ang pupuntahan mo ay malapit lang sa estasyon ng lrt o mrt ay maigi pang doon ka na lamang sumakay. Kahit trapik sa kalsada, sa loob lang ng ilang minuto ay naroroon ka na sa’yong destinasyon.
Kung may magandang dulot sa atin ang pagsakay sa lrt o mrt, mayroon din itong masamang dulot sa atin, ayon sa masusing pagsasaliksik. Dahil daw sa alikabok na nalalanghap natin sa pag-akyat ng lrt at mrt ay maaari tayong magkaroon ng nga sakit na makakaapekto sa ating baga, atay, utak at kidney. Kung ang mga small particles ng alikabok na iyon ay malalanghap natin ay maaari na tayong magkaroon ng kung anu-anong karamdaman.
Ayon sa mga eksperto sa University of Southampton, hindi lang naman ang mga alikabok ang maaaring maging dahilan para manganib ang kalusugan. Maaari rin ang mga small particles na nasa underground railway. Dahil sa mga particles na naroroon na karaniwan ay maliliit na metal na maaari mong malanghap, madali itong pumasok sa’yong baga
Sa pag-akyat mo sa lrt at sa pagbaba sa MRT, hindi lang karaniwang alikabok ang iyong makukuha. Bagamat may janitor naman sila na parating naglilinis, marami pa ring aktibidad sa lrt at mrt na maaaring pagkunan ng iba’t ibang dumi. Kung halimbawang mayroong mahagi ng establisyemento ang kailangang i-welding, ang maliliit na metal ay kakalat sa paligid. Kaya sa ayaw at sa gusto natin ay makukuha natin iyong malanghap.
Kaya, mas maigi kung magta-travel tayo ay laging may takip ang ating ilong, Sa pamamagitan kasi nito ay maiiwasan mong makalanghap ng kung anu-ano na maaaring maging dahilan para magkaroon ka ng malalang karamdaman.








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...