WOW! Ito ang
ibubulalas natin kapag may nakamamanghang video tayong napanood sa Internet. At
kung magandang-maganda nga iyon sa paningin ng viewers siguradong maghi-hit
iyon. O, hindi ba, ang Gangnam Style ay halos sa Internet lang din nagsimula?
Sa makabagong panahon ay napakamakapangyarihan ng Internet.
Saang sulok ka man ng daigdik siguradong magkakasundu-sundo ang bawat nilalang
kung ang video nga bang iyon ay maganda o hindi. Gaya na lamang ng video ng isang disabled na
biik na pinangalanang Chris P. Bacon.
Sino ba naman kasing nilalang ang hindi matutuwa sa biik na
naka-wheelchair. Nakaaaliw talaga siyang pagmasdan kaya naman ang biik na ito
ay nagkaroong ng 1,000 followers at mayroon na siyang sariling Facebook Page.
Super kaaliw naman kasi si Chris P. Bacon kaya marami ang
aliw na aliw na siya’y panoorin. Ngunit, dahil mayroong congenital defect ay hindi siya maaaring isama sa kanyang mga kalahi.
Maaari kasing dumugin siya ng malalaking biik o mga baboy. Kaya naman, pinili
na lamang ni Len Lucero na ilagay na lamang sa loob ng tahanan niya si Chris p.
Bagon.
Pero, kahit na hindi magagawang
litsunin si Chris P. Bacon, siguradong makakamtan niya ang sobrang tagumpay
dahil daig pa niya ang ibang sikat na artista. Biruin mo naman sa bawat araw na
magdaan, padami ng padami ang nanonood sa kanyang bideo at hindi kataka-taka
kung madadagdagan pa nang madadagdagan ang kanyang followers. Super cute kasi
siya kahit na napakaliit pa lamang niya. Tumitimbang lang kasi siya ng 2lbs.
Gayunman, alam nating darating ang araw na lalaki rin siya.
Ang tanong nga lang,anong
klaseng wheelchair na ang kanyang sasakyan? Sigurado kasing hindi na siya
magkakasya pa sa kanyang toy wheelchair.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento